being a crying Baby everyday

Yung pati maliliit na bagay eh iniiyakan mo na, OA daw sabe ng mother ng partner ko kasi hindi naman daw siya ganun nung nagbubuntis siya. pero ewan ko din ba bat naging ganto ako pero ang sabe naman ng mother ko natural lang daw yun na maging maramdamin ako dahil daw yun sa pag bubuntis ko.

23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Natural lang po yan, mamsh. Ung kapatid kong preggy ganun din, iyakin ngayon habang aq nman ding buntis ay hindi nman gaanong maramdamin. Hindi nman lahat parepareho pagnagbubuntis. Hindi ata naranasan ung ng in-law mo o wala siyang kasabay magbuntis kaya ganun iniisip nia. Nway, ingatan mo po lagi sarili mo:)

Magbasa pa

hahahaha normal lang po yan momsh ganyan din ako ngayon sa pinagbubuntis ko maliliit na bagay iniiyakan ko lalo nat wala sakin ang attention ng asawa ko ayon iyak bata ako, iyak ako ng iyak hanggang sa naiirita siya sa pinaggagawa koπŸ˜‚πŸ˜‚ sabi nila normal lang daw yun dahil sa hormones..

Noong hindi pa ako buntis akala ko din OA lang pero nung naranasan ko na mali ako pala. Now na buntis ako, ganyan din sinasabi mother in law ko di daw niya naranasan mga ganyan pero kasi di naman pare pareho ang nagbubuntis.. wag mo na lang pansinin sis. Wag pa stress..

Nung ako naman naglilihi, bwisit na bwisit ako sa Asawa ko, ayaw ko siya nakikitang Masaya as in Gusto ko mainis siya kasi galit ako sakanya, ayoko siyang makita, tas biglang susumpong na Gustong gusto ko siya makita at mayakap,.weird Momsh pero ganyan talagaπŸ˜‚

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-67602)

ganyan ako dati sa bunso ko, nung bagong panganak ako, tingin ko kukunin ng byenan ko lagi ung baby ko, pag napunta sila sa bahay nakasimangot ako, para hnd nila kunin ung baby ko hahaha ,

Ako nga eh pag nanonood ng koreanovela, naiiyak ako na feeling ko ako ung bida hahaha normal lang yan.. wag mo pansinin yang byanan mo, panira lang siya hahaha

sa hormones yan momsh... ako nga iyakin din at tsaka di lang yan tuwing huwebes nung first tri ko nag aalsa balutan (layas mode) ako πŸ˜… di ko alam bakit.

Ako nga iyak bata eh yung parang di binilhan ng laruan di namn ako iyakin dati hahahaha nakakatawa lang para akong tanga but it's because of the hormones

Iba iba naman kasi sis ang paglilihi, normal lang yan. Di porket di naramdaman ng mom in law mo e di mo na pwede maramdaman.