Nanay

Yung pagiging tatay parang ang dali sukatin no? Pagkaing sapat, ok na. Minsan nga kahit nambabae basta hindi pabayaan ang anak, mabuting ama na. Pero ang nanay? Makita lang madungis ang anak, masamang ina na. Mababa lang ang grade masamang ina na. Nag tantrums sa mall ang bata, masamang ina na. Paano mo nga ba masasabi na mabuti ang isang ina? Nasusukat ba sa timbang ng anak? Mas mataas na timbang, mas ok? O sa pagkakasakit ng anak? Why does it feel like you are less of a mom kapag may sakit ang anak mo? Parang ang pabaya mong ina. At kahit anong puyat mo at overtime sa pag aalaga, hindi ma offset offset yung pakiramdam na nagpabaya ka. Baka sa grades, or kung honor o hindi ang anak. Pag may honor, ibig sabihin may award din si mommy. Best mom award? Pero kahit anong gawin mo, talagang hindi ma honor ang anak mo, worst mom award ka na? Ganun ba yun?!? Paano nga ba? Ano ba ang indicator para masabi na mabuti kang ina? May points system ba? Kada sigaw minus one? Kada bili ng toy plus one? Kada mapakain mo ng nasa oras plus one? Kapag nag gadget minus minus agad. May merit system parang sa trabaho? Pero yung buti pa yung nag ta trabaho no? Pwede mag sick leave, ang nanay hindi. Buti pa yung nag wowork pag nasobrahan sa performance, may award.. sa pagiging ina, kapag nasobrahan ka sa performance, minsan mas nakakasama pa sa mga bata. Pero paano nga ba? Ano yung sobra? Ano yung sapat na? Ano yung kulang? Ang hirap di ba? At madalas kakahanap ng sagot kung paano tayo magiging mabuting ina, sarili natin hindi na natin makilala. Some will say it gets easy.. pero hindi it’s a never ending question of: “tama ba ang ginagawa ko para sa anak ko?” As they grow older, iba iba na yung haharapin mo. From simple issue ng kabag to pinaka ok na toy to paano makikipag socialize to baka maaga mag gf/bf to kakayanin ba nila ang real life.. at marami pa.. And there will always come a point na kukwestyunin mo ang sarili mo “saan ba ako nagkulang?” Nakakakaiyak yung moment na yan, nakaka durog ng puso lalo kapag may nakita kang pagkakamali sa anak mo.. maiisip mo naging mabuti ka ba talagang ina? Ano bang nagawa mong mali? Hindi masaya.. hindi ok sa pakiramdam. At hindi rin naman maganda na ikaw mismo, sarili mo mismo, nagdududa sa performance mo. And if right now you are feeling this. Na nag da doubt ka sa pagiging mabuti mong ina, let me be the one to say this to you, MABUTI KANG INA. You are doing an awesome job as a mother. Inhale exhale, yung nangyari kanina, o yung pagsigaw mo kahapon, o yung mababang grade ng anak mo, o yung pag aaway ng mga anak mo, malalagpasan nyo din yan. Inhale exhale and dont be too hard on yourself. Try to remember all the things that makes you happy as a mom.. mga tawanan na walang humpay? Yung sigaw nila tuwing makikipag habulan ka. Yung ningning ng mata nila pagdating sa bahay galing sa school. Focus on beautiful things not on your guilt. And remember hindi ka nag iisa. CTTO -Mommy Phepot-

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply