Kita Ko Lang Pero Its Reality??

Yung pagiging tatay parang ang dali sukatin no? Pagkaing sapat, ok na. Minsan nga kahit nambabae basta hindi pabayaan ang anak, mabuting ama na. Pero ang nanay? Makita lang madungis ang anak, masamang ina na. Mababa lang ang grade masamang ina na. Nag tantrums sa mall ang bata, masamang ina na. Paano mo nga ba masasabi na mabuti ang isang ina? Nasusukat ba sa timbang ng anak? Mas mataas na timbang, mas ok? O sa pagkakasakit ng anak? Why does it feel like you are less of a mom kapag may sakit ang anak mo? Parang ang pabaya mong ina. At kahit anong puyat mo at overtime sa pag aalaga, hindi ma offset offset yung pakiramdam na nagpabaya ka. Baka sa grades, or kung honor o hindi ang anak. Pag may honor, ibig sabihin may award din si mommy. Best mom award? Pero kahit anong gawin mo, talagang hindi ma honor ang anak mo, worst mom award ka na? Ganun ba yun?!? Paano nga ba? Ano ba ang indicator para masabi na mabuti kang ina? May points system ba? Kada sigaw minus one? Kada bili ng toy plus one? Kada mapakain mo ng nasa oras plus one? Kapag nag gadget minus minus agad. May merit system parang sa trabaho? Pero yung buti pa yung nag ta trabaho no? Pwede mag sick leave, ang nanay hindi. Buti pa yung nag wowork pag nasobrahan sa performance, may award.. sa pagiging ina, kapag nasobrahan ka sa performance, minsan mas nakakasama pa sa mga bata. Pero paano nga ba? Ano yung sobra? Ano yung sapat na? Ano yung kulang? Ang hirap di ba? At madalas kakahanap ng sagot kung paano tayo magiging mabuting ina, sarili natin hindi na natin makilala. Some will say it gets easy.. pero hindi it’s a never ending question of: “tama ba ang ginagawa ko para sa anak ko?” As they grow older, iba iba na yung haharapin mo. From simple issue ng kabag to pinaka ok na toy to paano makikipag socialize to baka maaga mag gf/bf to kakayanin ba nila ang real life.. at marami pa.. And there will always come a point na kukwestyunin mo ang sarili mo “saan ba ako nagkulang?” Nakakakaiyak yung moment na yan, nakaka durog ng puso lalo kapag may nakita kang pagkakamali sa anak mo.. maiisip mo naging mabuti ka ba talagang ina? Ano bang nagawa mong mali? Hindi masaya.. hindi ok sa pakiramdam. At hindi rin naman maganda na ikaw mismo, sarili mo mismo, nagdududa sa performance mo. And if right now you are feeling this. Na nag da doubt ka sa pagiging mabuti mong ina, let me be the one to say this to you, MABUTI KANG INA. You are doing an awesome job as a mother. Inhale exhale, yung nangyari kanina, o yung pagsigaw mo kahapon, o yung mababang grade ng anak mo, o yung pag aaway ng mga anak mo, malalagpasan nyo din yan. Inhale exhale and dont be too hard on yourself. Try to remember all the things that makes you happy as a mom.. mga tawanan na walang humpay? Yung sigaw nila tuwing makikipag habulan ka. Yung ningning ng mata nila pagdating sa bahay galing sa school. Focus on beautiful things not on your guilt. And remember hindi ka nag iisa. Ctto

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Para sakin momy sa nakita ko sa panganay ko nung nabubuhay pa sya.,namatay kc sya nung 7yrs old sya.,alam kong naturuan ko syang maging mabuting bata.,lumaki syang may compassion sa mga tao.,gustong gusto nyang nagbibigay sya.,kahit ung baon nya for lunch ibinibigay nya sa kaklase nyang walang baon sa recess kawawa dw kc kaya ang ending umuuwi sya para mag lunch sa bahay.,nilalakad nya lng eh ang lau pa naman namin sa skul.,pag nka kita naman kami ng mga namamalimos sya talaga ang nag sasabing "ma bigyan natin" Proud ako sa anak ko momy dahil nakita kong mpagmahal syang bata kahit grade 2 lng inabot nya npka lawak na ng pang unawa nya sa buhay.,pro nasa 75 - 79 lng lage grades nya.,alam kong hindi sya bobong bata kc mahilig syang mag sulat ng cards para sa amin ni papa nya.,mali mali man ang spelling nababasa at naiintindihan naman namin at 7yrs old lng sya nun.,hindi naman basehan ang grades momy.,basta mabuting tao ang anak mo ibig sabihin dka nag kulang bilang ina.,☺️

Magbasa pa
5y ago

Tama momsh.,kahit anu paman basta masaya sila ok na

Parang nadinig ko to sa movie ni Ai Ai. 😁Anyway ang weakness/pagkukulang ng anak at ng nanay ay reflection din ng kung anong klaseng tatay ang isang tao. Gawin mo lng bilang isang ina kung ano ang alam mong tama at keber na sa sasabihin na iba.

TapFluencer

sobrang mapanghusga kasi ng lipunan natin akala mo ang peperfect nila kung makapuna. 😌 lalo na yung mga wala pang karanasan sa pagkakaroon ng anak sila pa ang grabe kung makapang judge.

Naalala ko yung line ni vilma santos 😅 ngayon mkakarelate na tayo sa mga movies noon 😂

VIP Member

lahat nasisi sa ina..bakit ganun..

5y ago

Ganyan ata sa lipunan ginagalawan naten lagi sa nanay ang sisi.. Pero wala naman magulang na naghangad nag di maganda para sa anak

Uyyyyy! Gusto ko 'to share 😁

Totoo lahat ito 😞