TABA NG BABOY
Hi, yung mother-in-law ko gusto pasipsipin si baby ng taba ng baboy para daw Hindi maging mapili sa pagkain paglaki. Ganon po ba yun? ? Btw, 3months old palang po si LO. Sana po may makapansin. Salamat :)

May nakita po ako sa youtube isang doctor sa us. He explained paano maging hindi picky si baby with scientific basis po. Una ipakain kay baby ay gulay. Puree o kung blw kayo depende po sa inyo. Kasi mag sisend ng signal yong taste sa brain na lahat ng pagkain ay ganun ang lasa. Ganyan ginawa ko sa baby ko (tapos ko na mapakain si baby bago ko yon mapanuod). Una ko pinakain sa kanya ay puree green beans for 3 days tapos puree na green peas for 3 days ulit tapos mga gulay na pwede for baby. Then mga prutas naman. Huwag po prutas una nyo ipakain kasi matamis yon. Yong mga walang lasa muna. Hindi po picky ang anak ko ngayon at 18 months na siya. Kahit ano ibigay ko kinakain. Unless my sakit siya (which rare mangyari) at kahit teething kumakain pa rin. I am not against cerelac or gerber kasi pinakain ko din ang baby ko nyan pero pag busy lang o may iba ginagawa na hindi makapagluto. About naman sa taba ng baboy ngayon ko lang narinig na may ganyan pala. Good luck po.
Magbasa pa


