sad??

Yung mag isa ka na naman bukas sa check up at ultrasound mo?Yung time na mkkita mo na gender ng anak mo pero ung hubby mo d ka masasamahan?

23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap pag nag iisa ka lng pumupunta pag check up mo, at sa lahat ng bagay lalo na partner ko nasa malayo, ako lng talaga, punta ng center, punta sa city para sa check up ko ky ob, mnsan nga na iingit ako sa iba kasi kasama nila partner nila or atleast kht d cla kasama sa check up pero alam nla na pagka gabi katabi nila husband nila sa pag tulog, dati ok lng sa akin na ako lng mag isa pero last week nag punta ako sa city for my check up, tapos bigla nag iba sikmura ko, first sumuka ako mbuti nlng sa clinic ako nun tpos ko nagpa lista umalis na ako kc kukuha ng pera then hbng naghihintay ako ng pera nanlalamig katawan ko, tpos nun pumunta ako karenderya at kumain ulit tpos masakit tyan ko, kaya dali dali ako pumunta sa pharmacy para bumili ng manzanilla para sa tummy ko, at pumunta ako sa supermarket kasi dun ako sa cr nila mag lagay ng manzanilla para sa tummy ko, pero hbng nag lalakad ako papuntang cr, bigla nlng lumabas lahat ng kinain ko, swerte nlng kasi sumuka ako sa area na walng mga gamit, at yun tinulungan ako ng mga saleslady, binigyan ako ng wipes para pa mukha ko, tpos sila na nag mop, then pumunta ako cr at parang tutulo luha ko kasi dun ko na realize na mahirap nga pag ikaw lng mag isa😭😭 text ko partner ko pero tulog pa ksi sya 6hrs advance kasi tayo dto pinas, at yun dali dali ako pumunta sa clinic, then dun suka parin ako ng suka hanggang tumatae na ako hbng sumusuka, masakit pa ang tyan ko, tpos nung ako na tnwag ni doc, bgyan nya lng sana ako ng dpat ko inumin para sa nararamdaman ko, pero sabi ko d man ako maka uwi dito sa amin kasi bka mka tae ako habng sa byhe, at yung pina admit nlng ako, hintd lng ako ng assistant at ako nlng magisa sa emergency room😔😔, ang hirap hirap po talaga pag mag isa klng😭😭😭

Magbasa pa
6y ago

nakakaiyak naman :'( I feel you. minsan lang nakasama sakin yung partner ko sa check up.

Hello sis, ako din madalas ako lang talaga mag isa sa check up. Naisip ko kasi kaya pa naman. Tska need mag work ni hubby para may pang check up kay baby haha 😅 Also, kinakabahan ako mag pa check up ng kasama hubby ko, feeling ko pag may bad news bigla akong amg be-breakdown 😅 kaya kung wala sya, iisipin ko na hindi ako pwde mag breakdown kasi walang sasalo sakin haha 😅weird pero yun talaga nasa isip ko Pero pag malaki na tyan ko, at pag medyo hirap nako, need kona syang pasamahin, para malaman nya gano kahirap mag buntis 😅🤣 Wag kana ma sad mamsh, isipin mo si baby, hindi ka pwde mag stress or ma sad, dapat laging happy thoughts lang para happy lang din si baby 💓 Pray and stay safe! 💗

Magbasa pa

Ako po 24 weeks na tummy ko pero ni isang beses hindi pa ako nasasamahan ng hubby ko. Pero it's okay. Kasi stay in s'ya sa work. And s'ya nagpoprovide ng needs namin ni baby, never s'yang nagkulang samin kaya masaya ako. Lahat ng needs ko binibigay n'ya, and lagi s'yang nangungumusta after ng check up ko. Ate kong nurse ang nakakasama ko sa mga check ups. I'm looking on the positive side. 'Wag po pakastress. Happy lang. 🥰

Magbasa pa
VIP Member

Simula 1st baby namin ni Hubby hanggang ngayon na 8 months preggy ako hindi talaga ako nasasamahan ni Hubby kahit isang beses hndi dahil sa ayaw nya kundi dahil may obligasyon syang dapat ayusin. Wag ka ma sad mommy, isipin mo blessed ka kasi kahit wala si hubby mo kaya mong mag-isa at safe kayo ni baby ❤️

Magbasa pa

wag ka na sad mamsh think of the silver lining, nakakapag pacheck up ka kasi may work si hubby at masustain nya needs mo. ako wala work si hubby lagi ako nasasamahan pero syempre mahirap din magbudget kasi ako lang may work sa amin pero isipin pa din ang silver lining choose to be happy mamsh

3y ago

same po tayo nung nagbubuntis ako kasi seaman si hubby...nakkaalungkot man isipin at nakaka-inggit pag nakikita mo may kasama mga kasabay mo sa check up pero always think positive lang mamsh para di rin malungkot si baby ☺️ hindi din naman po siguro ginusto ni hubby na hindi ka masamahan sadyang need lang po nila magwork for us 🤍 sakin po nabawi naman si hubby na minsan tinatry niya makacall agad or makahingi update after check up...kaya ramdam ko pa din po yung care niya smain kahit physically wala siya...stay positive lang mamsh ☺️ stay safe and healthy sa inyo ni baby

ako sis ewan ko pero mas gusto ko ako lang yun nagpapacheck up. ako mismo yung hindi nagpapasama kay hubby, siguro kasi ang nasa isip ko KAYA KO PA NAMAN. May work din kasi siya. Pero nito lang sabi ko sama siya sa next ultrasound ko and check up pag malaki na si baby bump ko para may aalalay na saken.

Magbasa pa
6y ago

ako sis nakailang ultrasound na need kasi saken since high risk ako. so 2x ko na nakikita Gender ni baby hehe. May mga next ultrasound pa naman ako pwede pa din naman makita ni hubby hehe. Wag ka na ma sad dapat goodvibes lang tayo lagi sis. 🙂

ba't ka malulungkot porke ndi mo makakasama hubby mo sa pagpapaultrasound? maraming mga madami din nman buntis na mag isang nagpapaultrasound no.. ako nga from the bawat prenatal at ultrasound ko magisa lang ako at ok nman as long as na alam mong busy partner mo sa work.. understand him

okay lang po yan, ako nga din po mag isa lang nagpapacheck up sa ob ko, kailangan pa madaling araw aalis para sa pila..may work ksi si partner ko at every wednesday check up ko. Bumabawi nlang si partner every weekend para magbonding kami 😊

Aku nga den sis aku Lang den mag isa sa check up ku ung hubby ku den bz sa work pero hinahayaan Ku nalang bsta sumusuporta naman siya financial at okay baby Ku.. Wagka Ma stress sis nakakasama Yan Kay bb mu e huh? Think positive nalang😗

VIP Member

Ako sis nung una gusto ko sinasamahan ako ni mister kaso dahil naaapektuhan din work niya kasi weekdays ang schedule ko, nilakasan ko loob ko mag isa. Ok naman kasi yung mga kaschedule kong momshies mag-isa lang din pumupunta sa Clinic.