Naiinis.

Yung lola ng husband ko eh nakaka inis. Kada iyak ba naman ni bby karga. Kaya nasanay sa karga eh. Kala naman kc sila nag aalaga, naiinis na nga hubby kp kc di ko na nalilinis ng maayos ung bahay eh ako lang naman humahawak ng walis dito samin eto pang lola nya dumadagdag sa sakit ng ulo ko. ? halos araw araw karga, sinanay nila wala akong trabho naggawa. Pinagalitan ko c lola,nainis na kc ako. Ayun lumabas andun sa kapitbahay ewan ko kung sinisiraan na naman ako ? Karga nya sis bby kanina bumaba ako para mag prep dhil mliligo na si bby, pag akyat ko sa hagdanan narinig ko sya na anu ano na naman gingawa nya sa baba. Wala talagang kwenta gusto pinaiiyak ang anak. Sobra akong nagalit! Nasagot ko. Yung umiiyak si bby dahil gusto magpa karga, ayaw ko kargahin kc pagod ako. Gusto niya oras oras padedehin si bby eh hindi naman gutom at sayang lang yung extrang milk na naiwan. Yung kakapalit ko lang ng diapers, sasabihan kang puno na kasi umiiyak. Yung mga gusto nya na dapat ganitohin c bby, ganyan ganun pag di mo ggwin sasabihan ka ng masama eh ako nagmamarunong ? pinapa inom ko daw ng gatas na lagpas na sa oras ung milk life. Eh kaka timpla ko lang ng milk. Pina pa inom ko daw di mainit init ang milk eh warm namn gamit ko sa pag mix sa milk ni bby syempre lalamig alngan naman mainit na tubig lahat ilagay. Naiinis talaga ako. Nung namatay ung 1st bby q dahil may sakit ayun pinagkalat pa naman na pina iinom ko daw ng panis na gatas, pinabayaang madapa o anuman kaya nagkasakit. Yan pinalagpas ko yan. Di ako umimik alam kong sinisiraan ako sa mga kaptbahay namin. Ayaw ko sanang patulan dhil matanda na pero ndi na ako nakapag timpi.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

para di kana mainis momshie humiwalay nalang kayo ng tirahan sa lola ng husband mo., o kaya pwede mo naman siya pakiusapan ng maayos sa mga gusto mo para magkasundo kayo.