LO
Yung LO ko pang 13days niya plang. FTM po ako. Nung first week namin mixed feed ko siya since wala pa akong sapat na gatas nun. 2nd week meron na kaya nagpure bf kami. Pero nitong nakaraang dalawang araw parang nagbago siya at ung sleeping routine niya. ? Hindi po sanay sa karga yung LO ko, tapik tapik lang po after niya dumede sakin okay na siya.. As much as possible kinakarga ko lang siya pag dedede siya pero never ko pa siya hinele. Pero ngayon pong lumipas na dalawang araw nagbago po. Nung nakaraang gabi ayaw niya magpababa sakin at kada 1hr or 30 mins gigising siya para dumede. Pero tinutulugan niya lang naman po yung dede ko. In short wala talaga akong maayos na tulog. Ganun parin nitong lumipas na gabi ? ayaw niya magpababa. Tulog ko siya ibababa wala pang 1hr nag iingit na. Naiiyak nlang ako talaga kase una nakakapagod, pangalawa naman eh naiinis ako sa sarili ko kase napapagod ako. Nakokonsensya ako kase napapagod ako sa pagising gising niya sakin na dapat eh tyagain ko ??? Di ko alam kung di ba sapat yung dindede niya sakin. Eh ayaw na niya magformula, tinry ko kagabi inuurong ng dila niya. Don't get me wrong mahal ko po baby ko. Gusto ko lang maglabas ng mararamdaman. ???
Valentino's mom❤️