Tama po ba na malaki ang budget na binibagay ng asawa ko sa parents nya?

Yung husband ko po kasi parang ang laki ng budget na binibagay nya sa parents nya every month 16-18k per month, tapos may work as teacher pa yung mother nya at yung papa nya walang work .. bso 2 lang sila at may 4 silang dog .. walang naman silang expenses tulad ng samin ... pero kami ng asawa ko andami naming gastusin at bayarin, buntis pa ko at may 2 kaming anak na nag aaral, wala pa kaming sariling bahay .. may times pa na pag nanghhingi ako ng extra sa kanya ang sagot nya e "ttry ko" na parang kakapusin pa sya .. πŸ˜” ano po ba dapat gawin ko ? Kasi lagi nalang po kaming nag aaway tungkol dito .. wala kasi syang magawa na parang takot na takot sya sa parents nya .. πŸ˜”

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kami nga nga asawa ko, nakitira lang hanggang ngayon sa parents nya dahil wala pa kaming bahay even though kasama sa plano namin mag bukod pero wala pa talaga sa budget, yung asawa ko hindi talaga sya nagbibigay sa parents nya, ako nga yung gusto na dapat mag bigay sya eh. pero ayaw nya talaga, dahil obligasyon din ng parents na tulungan o supportahan ang anak hanggat sa maka bukod, paano daw kami maka bukod kung panay bigay kami sa parents nya. Kaya ayon parang ako nahihiya sa parents nya, hindi rin kasi sya sinusuportahan ng parents nya about sa kanyang skills at business hanggang naabutan nalang daw sya sa age na kailangan ng mag asawa. Parents nya inuuna ibang tao eh, kesa sa mga anak. kaya ayon i understand kung bakit ganyan pakikitungo ng asawa ko sa kanyang parents.

Magbasa pa