Sobrang sakit pala malaman na wala ng heartbeat ang baby na minahal at inalagan sa loob ng tiyan

Yung handa ako sa lahat, emotionally, physically, psychologically, financially para sa pagbubuntis panganganak at pagpapalaki ng bata. Til comes a time na di ko na maramdaman ang movement ni baby at wala na pala siyang heartbeat. Nag labor ako for 9 hrs. Naraspa with spine anesthesia kasi di ko na kaya ang pain. Para na akong mamamatay sa sakit ng labor pero mas nasasaktan ako emotionally psychologically para akong nakalutang at baliw. Ang hirap po. 😭😭 Sobrang sakit din kahit pilit na tinatanggap ang realidad na wala na pero araw araw na ipinapaalala sakin ang baby ko nag ppump pa rin ako kasi ang dami kong milk😭 naiisip ko baka nagugutom na si baby, baka nilalamig siya o kaya baka nalulungkot siya kasi wala ang mommy and daddy. Lahat ng mga gamit na binili nakapagreremind sa kanya😭

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel u mommy 😭😭 nawala din ang first born ko... September 2, 2018 ang due date ko..tapos September 9 na ako nag labor..buhay pa c baby sa loob nang tiyan ko..pilit na pinapa normal labor..😒😒 tapos cord coil pala kaya d ma labas labas c baby 😒😒 nong mag decide na na e CS ako wala na c baby 😭😭😭 ang sabi lang nila sakin critical c baby kahit papano may hope pa ako..pero d nila agad sinabi na wala na talaga 😭😭😭 di ko man lang sya na kita at nayakap, di ko nasilayan ang baby ko kahit sandali kasi daw baka may mangyaring d maganda sakin pag malaman ko at ang magiging reaction ko 😭😭 sobrang sakit mawalan nang anak na 9 na buwan mong iningatan πŸ’”πŸ’” pero I know my plan c God para samin..yon na lang ang kinakapitan ko...2019 nagka baby ulit ako 😍 sa wakas 😍 huwag kang mawalan nang pag asa momsh...my plan c God for us ❀️❀️

Magbasa pa
3y ago

thank u momsh..sadyang di lang talaga para samin c baby