Yung baby ko wala siyang kalaro, nakikita ko na sabik na sabik sya sa kalaro. The problem is pagkagaling ko sa work , halos para sa tulog na lang yung oras , hindi ko din siya hinahayaang maglaro sa labas dahil sa environment, madalas kasi may nagsisigawan sa labas ng bahay namin or yung mga batang naglalaro mismo sa labas grabe yung mga salita to the point na nagmumurahan sila, ayoko siyang maexpose sa ganun. May mga alam ba kayong ways para kahit papano mabawasan yung pagkasabik ng bata. 3 years old palang kasi siya.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same experience here when I was a kid. Solo child ako until 8 years old, wala akong kalaro kasi ayaw din ako ng mom ko payagan maglaro sa labas. All I know was she would leave me a lot of toys of different varieties para hindi ako mabore, mostly educational. Kaya I learned how to read when I was a little over 3 years old kasi pagdating naman ng mom ko sa bahay, she would really take the time to read books with me and play na din at the same time.

Magbasa pa