Dealing with tantrums and burara kids
Hi! So, yung baby ko po is 5 months old pa lang, at dito ako ngayon nakatira sa bahay ng partner ko. Isang compound silang magpapamilya. 2 maliit na paupahan, 2 bahay (isa sa kapatid ni partner na may pamilya na din, isa sa amin) at yung bahay ng parents ni partner. May 2 pamangkin si partner (8 yo girl - ate- at 4 yo boy -bunso). Pag nabore sila sa laro sa labas, o sa bahay nila, o sa bahay nila mama, dito sa amin sila pupunta para maglaro o makinood ng TV. Bibo, maligalig, madaldal pareho, yung ugali ng mga tipikal na bata. May times nga lang na pag naabutan nila ako na nanood ng TV (na nagawang smart TV dahil sa android box), nakikinood sila at pinagbibigyan ko sila manood. Pero minsan, may times na si bunso e nagttantrums lalo pag naiinip at di napagbigyan ang gustong panoorin. Si Ate naman, may pagkaburara at ang ayaw ko na ugali niya is takaw tingin sa pagkain, at kahit saan nag-iiwan ng kalat ng pinagkainan. Don't get me wrong po ha, gusto ko naman sila andito bilang naaaliw din nila si baby. Si Ate, nabibilinan ko naman tingnan si baby pag kelangan ko mag-CR. Ganun. Hindi naman masisi ang mga bata kasi sila lang ang bata dito sa pamilya, kahit si partner e sunod sa luho ng dalawa. Kahit nga ngayon e halimbawa magpapalengke si partner, may pasalubong pag-uwi sa mga bata. Again, wala po ako problema sa mga bata. Siguro ang akin lang e gusto ko matutunan kung paano mag-deal sa batang nagttantrums, baka sa future e mag-ganun ang anak ko, at least alam ko gagawin ko. And, paano ko kaya matuturuan si Ate o mapaiintindi sa kanya na dapat siya na ang nagtatapon ng kalat niya sa basurahan, o magsabi siya pag ayaw na niya ng kinakain niya, madalas kasi pag ayaw na niya ng pagkain niya, iiwan na niya lang sa mesa tapos aalis, maglalaro ulit. I know 8 yo na siya pero nauutusan na siya at may sariling pang-unawa na. Haaaaays. Sino po kaya may advise sa inyo tungkol sa tantrums at sa iba pang ugali ng mga bata. #advicepls #1stimemom #firstbaby #momcommunity