Share ko lang po..

Yung ama po ng baby ko, may anak na sa ibang babae pero sabe niya "anak lang usapan nila". Okay naman relationship namen, naging masaya, tulungan sa problema, bigayan kung sinong meron sa wala, napakilala ko na din siya sa side ko, sweet siya at maalaga. As in pinaramdam niya sakeng mahal na mahal niya ako at hindi niya na ulit ako iiwan. Gustong-gusto niya na nga mag kababy kame. Thanks God, nakabuo kame. :) almost 3 months na bago namin nalaman. Nag pa check up agad kame pero parang biglang lamig niya. May point na gusto niya hindi ituloy si baby, ayaw niya din ipaalam muna sa iba lalo na sa parents ko. Tinatanong ko siya kung anong plano niya pero wala siyang masagot kesho madame daw siyang problema. Nagkasabay-sabay. Siya po kasi breadwinner sa side niya. Nahihirapan din siya sa gastos ng una niyang anak at mga pinagkautangan niya. Sabe niya hindi kame pababayan pero ni kamustahin kame, wala. Nag chat saken yung nanay ng una niyang anak, nagsasama na daw sila ng matagal. Ayun. Nawala na ng parang bula yung ama ng baby ko. Ni hindi siya nakipag usap ng ayos lalo na sa side ko. Hindi ako humingi ng sustento pero wala na talagang pakialam man sa amin mag-ina. Alam naman niyang napaka selan ko mag buntis pero bakit ganon? Hinayaan na lang kame. Tinapon kame na ganon-ganon na lang. Iniwan na lang kame basta sa ere. Ano bang ginawa ko para lokohin at gamitin niya lang ako? Binigay ko naman lahat kahit walang-wala ng natira saken. Ako po ba yung may mali? Pero in the end, mahal na mahal ko si baby kaso wala po siyang ama. Sorry ??

3 Replies

Hi share ko lng . Magiging dalawa na kase ang anak ko . Yung panganay ko iba ang tatay nya . Nag hiwalay kami kase wala syang pangarap sa buhay , tamad at hnd kami magka sundo ng madalas . Kht single mom ako na ko nun . My nakilala ako na asawa ko na ngayon . Katulad din ng sa case nyo . Ginusto nya agad na magka baby kami , nag sasama na kmi nag tutulungan sa lahat ng problema at never nya akong iniwan . Minahal nya rin yung panganay ko na parang kanya . Ang point ko lng is . Nagkamali ka ng lalaking minahal pero iniwan ka nya ng blessing . Yung baby mo . Wag kang mawawalan ng pag asa . Dadating ang panahon na my taong bubuo sa pag kukulang ng ama ng anak mo . Kung ipag dadasal mo , ibibigay sayo . GODBLESS YOU MOMSH ❤❤❤

Thank you mommy, medyo naiiyak ako. Hehe na touch po ako ng sobra. Mm in God's will 😊Godbless you. 😊💕

VIP Member

Intindihin mo na lang baby at sarili mo mamsh di nya kau deserve

Opo. Thanks :)

sameee here 🥺

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles