Share ko lang experience ko as a New Mom.

Yeyyyy! Baby's out @ February 13, via NSD 40 weeks via LMP 37 weeks via Ultrasound Flex ko lang baby boy ko, super masunurin at mabait simula nung nasa tiyan ko, habang lumalabas sya at paglabas nya. February 12 night, medyo naglilikot na si baby sobra at panay sakit ng tyan ko sabi ko sa kanya kung lalabas na sya labas na sya. February 13, 2020 - Naglalabor na pala ako hindi ko alam. 4am - Sumakit ulit tyan at puson ko, naglakad lakad kami ng nanay ko mga 30mins tas feel ko bumaba ng konti tyan ko. 9am - 10am - Nagworst pagsakit ng tyan at puson ko then may brown discharge na kaya nagpunta na kami hospital para ipacheck up sana kung bakit pero inadmit na agad ako dahil 2cm na daw. Tuloy tuloy na paghilab ng tyan at puson ko. 2pm - 3-4cm 5pm - 5cm 8pm - 6-7cm 9pm - 8cm sabay putok ng panubigan ko, feel na feel ko na lalabas ulo ni baby kaya panay sabi na ko sa ROD at nurses na lalabas na si baby pero wag ko daw muna ilabas dahil 8cm palang 9:20pm - pagkaupo ni Doc OB bigla lumabas si baby ng walang kahirap hirap. Hindi ko na naramdaman pag gupit sa pempem ko, sabay tulog pagkatapos ilabas si baby. Lahat ng sakit at paghihirap sa pagllabor sobrang sulit after ko syang ilabas. Isa na kong ganap na mommy, Thanks sa app na to, isa to sa pinaglilibangan ko habang preggy ako. Tamang basa ng article, sagot ng question and answer etc. Goodluck sa mga preggy na ilalabas palang ang baby nila. Pray lang and kausapin nyo si baby para mas mapadali paglabas nya effective sya sakin.

2 Replies

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles