overfed

Yesterday, habang naghihintay ako para sa check up ko. May mga new mom na may orientation, tas na kwento ng OB na may newborn daw na nawalan ng buhay kasi daw pinadede ng gatas na yung templa, tas nakatulog daw yung mother at father ng baby. Pinagbabawal kasi sa hospital na aanakan ko soon ang bottle feed unless super super kailangan talaga, small amount of milk lang naman daw kailangan ng newborn. So ayun, hindi na natulungan ang bata kasi madami na daw liquid sa lungs. Nakakatakot lang, mabuti talaga pag breastfeeding nalang tapos wag na wag matutulog pag napapa dede. Tapos dapat ipa burp ang baby after feeding.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Naku ang daming cases na ganyan.. Isa pa sa dahilan nyan is padede ng hindi nakataas ang ulo ni baby.. Kinatakutan ko din yan nung newborn baby ko.. Kaya kahit magisa ako nagaalaga kasi seaman partner ko, cs pa ko at wlang pahinga, di talaga ako natutulog kada feeding namin. Breastfeeding si baby. Pinilit ko magbreastfeed kasi yun ang the best nutrition na maibibigay ko sa baby ko at ang kalinga ko.. Every 2 hours nagigising ako para madedehin si baby, ipaburb, then ipasleep.. Pinipilit ko tumayo kahit sobrang sakit ng tahi ko.. Ako gumagawa ng lahat kay baby ko since birth. Nagbago itsura ko.. Nahaggard.. Pumayat ng sobra na hindi na talaga maganda.. Nawalan ng maraming buhok.. Napanot na nga yung bandang nasa noo ko eh.. Nawalan ng career kasi magisa kay baby.. Pero di ko pinagsisisihan lahat ❤️

Magbasa pa