I need advice.

Worried po ako pano ipapaalam sa family ko and sa workplace ko na pregnant ako. I'm turning 25 na po at may stable job kaso not yet married, iniisip ko reaction ng mga tao sa paligid ko lalo sa nature ng work ko dapat role model. Dami pa expectations ng parents ko sakin, ayaw pa nila mag asawa ako. Kung ako lang I'm happy about sa pagbubuntis ko, same with sa bf ko gustong gusto nya na magka-baby. Kaso hindi maalis sa isip ko magiging judgment ng mga tao kapag lumaki na tiyan ko. Nauna ang baby bago kasal. Paano ko po kaya sasabihin? Please help. Thanks po.

377 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag mo masyado i stress yung sarili mo about sa iisipin o sasabihin ng ibang tao sayo, hindi mo talaga sila kaya i please lahat, may masasabi at masasabi sila na kung ano2 pero pag tagal matututunan mo din na mabuhay lang sa paraan na gusto mo at wala kang pake sa kanilang lahat kasi wala naman silang iaambag sa buhay mo 😂, ako nga 16 palang ng mag buntis sa 1st baby ko, ngayon 8 years old na sya and kami parin ng father nya and may coming kami na 2nd baby 😊 dont worry sa family mo kasi totoo yung sila lang yung andyan sayo kahit ano pa man ang mangyari, hindi naman totoo yung sinasabi ng parents natin na hindi kana tatanggapin kapag nabuntis ka, kahit anong salita pa ng parents natin na ganun sa loob2 nila mahal parin talaga nila tayo kaya at the end i aaccept parin naman nila kahit ano pag babago meron sa buhay mo. Dont worry ate mas malala pa nga yung kalagayan ko kasi 16 lang ako 1st yr college pero ok naman kami ngayon basta ipakta nyo lang na kaya nyo tumayo sa sarili nyong paa, para wala silang masabi, kagaya ko ipinakta ko na kahit nauna pa c baby eh nakaatapos ako ng pag aaral nag working student ako, at ipinakita ko na tatagal kaming mag aswa kaht hnd kmi kasal take note hindi parin kami kasal 10 yrs na kami alam kong may sala kami sa Diyos pero at least isinasabuhay namin kung ano ang obligasyon at responsibilidad bilang asawa sa isat isa, pero may plan naman kami kasi iba parin kapag may basbas 😉

Magbasa pa