need help/advice
I'm 23 years old at 18 weeks pregnant na ako kaso hindi pa alam ng parents ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin, natatakot kasi ako at baka madisappoint sila sakin. Kapapasa ko lang kasi ng LET at naghanap ng trabaho. Nagapply ako as call center agent kaso, naabutan ng lockdown yung contract signing sana namin. 4 months na, wala pa ring call yung company. Gustong gusto ko na din sanang sabihin sa parents ko kaso natatakot talaga ako lalo na't wala akong work. Gusto ko din mag apply sana sa ibang company kaso ayaw ako payagan ni bf ko kasi maselan ako magbuntis. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko lalo na't problem ko kung san kami kukuha ng pambili ng mga gamit namin ni baby🙁
Ako nga 20 years old kakagraduate ko lang ng bs medical technology. Sept 2019 exam namin. Kaso di ako pinalad. That time 2 mos preggy na ako nung nag board exam. And patago akong nag papa check up nun. Pag 3 mos ko, nung nag pa utz na ako dun ako nagkalakas ng loob sabihin sakanila. Si mama tuwang tuwa kasi gusto na din niya ng bata sa bahay. Pero si papa hindi. Dating police colonel si papa kaya grabe takot ko nun. Pero since buntis na ako, di niya ako magawang pagalitan. Walang lakas ng loob bf ko nun(asawa ko na ngayon) na humarap kala mama kaya no choice, dapat lakasan ko loob ko. Basta ang usapan nalang namin nun dapat panagutan at mag pakasal kami. Wala naman akong problema sa asawa ko kasi may stable na siyang trabaho and may bahay na (pero dito pa nakatira fam niya😞) so yun. Kaya sis... Soon to be mom ka.. Kung wala kang lakas ng loob na harapin ang dinadala mo ngayon sa magulang mo, baka in the future di mo kayang ipagtanggol baby mo kapag may nang api ganern. Yun nalang tinatak ko sa isip ko kaya nag karoon ako ng lakas ng loob sabihin yun. Di kami mayaman. Ako nalang sana aasahan nila mama na makaahon kami kasi mataas sahod ko sana kesa kay kuya. Kaso wala. Bawi nalang tayo sakanila pag pwede na ulit mag work. At mabuti kasi naka experience ka na mag work ako hindi pa. 😞😔
Magbasa paIpagtapat mo na sis. 9weeks akong preggy nung sinabi ko kay mama, ang sabi ko pa sa kanya "Ma.... patitirahin mo na ba ako sa Bacolod? (Taga dun si bf ko, husband ko na now)" tapos tanong ni mama "Bakit mag-aasawa ka na ba?", "Magkaka-apo ka na kasi ma e." Tapos di siya sumagot nun, magkagalit pa sila ni dad non, so nung sinabi ko yun bigla sila nagkabati 😂 tapos ako naman yung 2 months di kinausap ng tatay ko haha, pero now tuwang-tuwa sa apo nya. Normal lang na ma-disappoint sila, pero tatanggapin ka parin nila at anak mo. Baka nga mas maging mahal pa nila apo nila kaysa sa mama e. Parang samin lang. Love na love ng mama ko yung apo nya palagi may pasalubong tuwing aalis sya 😂
Magbasa paSabihin mo na sis, kasi doon at doon din ang punta para atleast maalagaan ka. Ako 22 yrs old, 22 weeks pregnant takot na takot din ako sabigin kay mama kasi nalaman ko nung lockdown na, pareho kami nagstop work ng partner ko kasi sa resort kami. Ayun, pagkasabi na pagksabi ko kay mama, check up kami, bili vitamins, gatas tapos alagang alaga ako sa bahay. Di sinusumbat ni mama sa partner ko na sya gumagastos kasi naiintindihan nya di naman namin ginusto mawalan ng work pareho. Ngayon magkahiwalay kami ni partner kasi umeextra extra sya ng work, si mama nag aalaga saken. Iba kasi pagmamahal ng parents, normal lang na magtampo o magalit sila pero di maka matitiis nyan. 😊
Magbasa paDi ka naman na bata and graduate na. Magexpect ka lang na magagalit sila, magulang mo yan alam ko kung anong mga possible na mangyari, kung paaalisin ka sa bahay nyo or mumurahin kayo, dapat tanggap nyo. Or kung tatanggapin naman kayo. Magusap kayo ng bf mo, yung plans nyo, san kayo titira in case na ganito ganyan. Tsaka kayo magsabi. Expect the worst para di ka masaktan. Magulang mo naman yan, matatanggap ka nyan. ❤financially naman dapat ishoulder ni bf yan kung maselan ka magbuntis. Tatay na sya, responsibility na nya yung family nyo. Nakakaguilty na wala kang maiaambag pero alagaan mo sarili mo and si baby kasi importante yun.
Magbasa paHi sis, I'm also 23 and just passed my LET last March 2019. Late na rin nalaman ng parents ko and nahalata lang talaga ng mom ko kaya napaamin ako since nandun na eh, I was on my 20th week I guess when that happened. Better sabihin mo na sis, dami ko ring iniisip before such as teacher ako and ano nalang sasabihin ng mga taong kakilala ko at close relatives ko lalo na parents ko pero fortunately naging okay naman. Kinausap kami ni bf ng parents ko about sa plans namin and I think makakatulong din yun para mapanatag sila so better if sabihin nyo na ni bf nang magkasama. You'll do fine. Sana una lang yan mahirap. 🥰
Magbasa paSabihin mo agad sis pag ready ka na. Pakiramdaman mo na lang yung timing ng pag sabi. I can’t say kung ano magiging reaction or pano nila tatanggapin pero just be ready. You have to be strong for you and your baby. Iguguide tayo ni Lord sa lahat ng nangyayari sa life natin. Ganyan din kasi ako, 15 weeks ako nung naglakas loob sabihin sa mom ko na i’m preggy. Kinabahan ako talaga knowing na may expectations sila sakin pero during that time dun ko narealize how golden a mother’s love is. Basta always believe na kung ano man mangyari, ang gusto nila satin kung ano yung best for us. ☺️
Magbasa paMuch better if sabihin mo na sis kasi malalaman din naman yan ng parents mo . Kahit ano pang sabihin ng parents mo positive or negative . Mapagalitan ka man or hindi tanggapin mo kasi sa iyo man din yan . Much better din if kayong dalawa ni boyfie mo first mag usap if anong plano niyong dalawa. Pakakasal ba kayo or buntis muna bago kasal ? or unahin muna si baby para at the same time pag tanungin ka mg parents mo kung anong plano mo may maisasagot ka. Di natin hawak loob ng pamilya natin pero kahit pag baliktarin pa ang mundo pamilya mo sila and karapatan din nilang malaman yan
Magbasa paAko po kakagraduate ko lang ng college at 20 years pa lang ako EDUC din ang course ko, pero maswerte ka kasi nakapasa ka na ng LET hehe. Nung una natatakot din ako na umamin sa parents ko, kaya nung nag 3 months ang tiyan ko sinabi na namin. Pero so bf ang humarap sa parents ko kasi wala akong lakas ng loob umamin sakanila. So ayon, sa awa ng Diyos hindi naman sila nagalit at wala kaming nari ig sakanila na kahit na anong masakit na salita. Hi di namin expected na ganon magiging reaction nila. Pero I'm sure maiintindihan ka nila 😊 tatagan mo lag loob mo 😊
Magbasa pamag 6 months na ko nung nalaman ng parents ko, kaka graduate ko lang din pero nawalan ng work dahil sa lockdown. walang naghinala kase wala naman akong early signs of pregnancy. bukod sa palagi akong natutulog at malakas kumain. mas better kung sabihin mo na po, sabay kayo ng bf mo. pero bago yun, pag usapan nyo muna plano nyo. kung ikakasal bago manganak o kahit ihabol nalang ang kasal para maka focus kayo sa pag budget para sa pagka panganak. mas ok na alam nila kase alam nila ano yung gagawin at makatulong sila sayo. 🤗
Magbasa paPareho tayo sis pero nasurvived ko na yung sitwasyon na yan mas nagsisi ako nung di ko agad sinabi sa parents ko sinabi ko kase sa kanila 5months na yung tyan ko. Takot na takot din akong mag sabi lalo na sa tatay ko kase sobrang strict nun tas malaking tao pa kaya sobra talaga takot ko pero nung nalaman naman nya natanggap agad saka dapat daw sinabi ko agad para naalagaan kami ni baby. Kung di mo pa sasabihin maistress ka lang kawawa naman baby mo.
Magbasa pa
Mummy of 1 curious superhero