I need advice.

Worried po ako pano ipapaalam sa family ko and sa workplace ko na pregnant ako. I'm turning 25 na po at may stable job kaso not yet married, iniisip ko reaction ng mga tao sa paligid ko lalo sa nature ng work ko dapat role model. Dami pa expectations ng parents ko sakin, ayaw pa nila mag asawa ako. Kung ako lang I'm happy about sa pagbubuntis ko, same with sa bf ko gustong gusto nya na magka-baby. Kaso hindi maalis sa isip ko magiging judgment ng mga tao kapag lumaki na tiyan ko. Nauna ang baby bago kasal. Paano ko po kaya sasabihin? Please help. Thanks po.

377 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis, may kapatid ka ba na super ka close? Tell mo muna sa kapatid mo para makapag bigay sayo ng advice and mahelp ka nya sa pagsabi sa parents nyo :) Kung wala naman, kayo ni BF ang magsabi sa parents mo, sana kapag sinabi mo happy kayo and your BF will tell na whole heartedly nyang itatake ang responsibility. Naauna lang yung baby but eventually magpapakasal din kayo :) Sa una magagalit sila or baka may nega reactions pero part talaga yun e. Tanggapin nyo na lang din pero for sure sooner or later magiging okay ang lahat 😊 Kase baka kapag pinatagal nyo pang hindi sabihin may masasabi pa sila sa inyo. Sa work mo, madaling sabihin sa amin na, wag mo sila isipin pero lalo na now a days dami talagang judgemental. Hehe! Pero kapag pinakita mo sa kanila na you are happy for the blessing. Sila din mahahawa, magiging happy din sila. And role model ka pa din kase you take the responsibility ng buong buo 😊 Kaya mo yan sis! Pray ka din kay God para sa guidance πŸ˜ŠπŸ™

Magbasa pa