I need advice.

Worried po ako pano ipapaalam sa family ko and sa workplace ko na pregnant ako. I'm turning 25 na po at may stable job kaso not yet married, iniisip ko reaction ng mga tao sa paligid ko lalo sa nature ng work ko dapat role model. Dami pa expectations ng parents ko sakin, ayaw pa nila mag asawa ako. Kung ako lang I'm happy about sa pagbubuntis ko, same with sa bf ko gustong gusto nya na magka-baby. Kaso hindi maalis sa isip ko magiging judgment ng mga tao kapag lumaki na tiyan ko. Nauna ang baby bago kasal. Paano ko po kaya sasabihin? Please help. Thanks po.

377 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Im 20 now and im preggy, super strict din ng family ko akala ko sasaktan ako pag nalaman nila na preggy ako. Pero what ever happens family mo sila they will be the first one and the only one na makaka intindi sayo. At first syempre magagalit sila pero saglit lang yun, pag sasabihin ka din. Which is normal, at yung ibang tao dont mind them di naman sila nag palaki at nag papakain sayo para intindihin pa sila. Kasi kahit ano gawin natin may masasabi at masasabi sila. Just focus on yourself and your baby. Congratulations! 😊😊

Magbasa pa