10 Replies
Depende, if it's too much or if pang-ilang beses na ginawa malamang mapagbubuhatan ko na ng kamay. Pero maliit pa sya ngayon so it's early to tell kung ganun syang lalaki - wag naman sana. Pero nung bata kasi ako if nagawa ko yun, napagbuhatan din ako ng kamay ng parents ko. And I understood why kasi ineexplain nila after pag kalma na lahat.
By human nature yes baka masampal ko anak ko kapag sinagot sagot ako. Pero kaya ko namang hindi gawin yoon. I believe na kaya kong suhetuhin ang anak ko na hindi ko sinasaktan. yung tipong dadaanin lahat sa diplomacia, Pero if ganon pa din, there are other ways like grounding him and cutting his allowances.
As per my observation with my cousin, dapat hindi. It will only cause more intense emotions. Especially if your child is a toddler. You can to talk to your child in a way na maiintindihan nya na na panget ang ginagawa nya. We all have our ways regarding discipline, it's up to us on how we can take it
sakin hindi ko pinapalo ..sasabihan ko sya na bad un .. madali naman kausap baby ko kase sabi ko pag bad sya i will spank her .. once ko lang un nagawa sakanya un grabe kasalanan nya siguro natandaan nya na masakit un kaya takot na sya ..
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-22394)
We have a process at home. Sa una syempre kakausapin muna explain bakit hindi maganda yun etc. Kapag naulit ulit, may consequences. And depende sa grabe ng pagsagot, may time na mamamalo ako.
Ako hindi, kasi that teaches them that violence is the best way to get someone to listen to you. Although depende din sa sinabi niya, pag grabe baka di ko na macontrol ang sarili ko T__T
Hindi dapat kase may mga bata na negative yung epekto ng pamamalo sa kanila. Nag tatanim ng sama ng loob.
pagsasabihan muna ng maayos saka papaluin na talaga kapag hindi na maawat at madaan sa sermon
Nope. It's against the law so I will not do it.