While ako nammroblema dahil katapusan na at sabay sabay na ang bayarin, at saktong sakto lang ang budget ko pang bayad sa bills,
Me: hays, wala na natira. wala na tayong pangkain ngayong araw.
Partner: Gusto mo mamakla nalang ako
Me: (Sumabog ako, kasi nakita na nyang nammroblema ako nakuha pa magbiro ng ganyan) Eh gusto mo magpokpok nalang ako?
Partner: la di mabiro, t*ng in*ng ugali yan
(at kung ano ano na sinabi nya)
Di na ko umimik dahil alam kong magtatalo kami ng matindi pag sumagot sagot pa ko. Grabe na ang stress ko di ko na alam san ako huhugot ng lakas nagkulong nalang ako sa cr at umiyak. Sinasabi nya saakin na nagiipon sya, buti pa sya nakakaipon samantalang ako, lahat ng gastos sakin, sa bills sa bahay sa pagkain araw araw sa baby namin lahat ng pangangailangan ako lahat pati mismo sa anak nya sa una ako nag ssustento dahil wala nga syang trabaho puro sideline lang pero nakakaipon daw sya pang business. Buti pa sya ano may ipon samantalang ako wala sagad na sagad kahit pangkain wala, pproblemahin ko pa yon. tapos bibiruin pa nya ko na mamakla sya. tapos pala away pa lagi nalang ako na sstress di marunong mag control, tapos sya pa galit hay napapagod na ko gusto ko na sumuko kundi lang dahil sa baby ko.