Di kame magkasundo ng Biyenan ko

What should i do? Ayaw naman talaga nila saakin, since then. 6 years na, magdadalawang anak na kame ng anak nila. ?

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi, salamat sainyo,Last year, 2020. Napostko yun dahil di ko naman kaya sabihin personal ang nararamdaman ko. Aminado ako doon, na bago kame ikasal ni kirk, humihingi ako pagmamahal sa mga taong di ako kayang tanggapin at mahalin ng buong ako. Na halos iniiyakan ko gabi gabi, nagdadasal ako na sana balang araw magawa nila yun saakin. Hanggang isang araw nagising nalang ako na, ay mali pala talaga ganun nagiging beggar na ako. Nag bebeg ako ng love sa mga taong di talaga akong tanggapin, yung bigla ka nalang napaisip mahal na mahal ka naman ng pamilya mo, asawa mo, mga anak ko. Bakit pa nga ba ako humihingi ng pagmamahal sa pamilya ni kirk? Nagdadasal ako para mahalin ako, pero ibang paraan at dahilan ang ginawa ng diyos, pilit nya inaabot saakin ang message nya na tama na, wag na ipilit. Pero ako tong pilit ng pilit isiksik sarili ko sa kanila. Hanggang isang araw, nangyari na naman saakin, umiiyak na naman ako gabi gabi dahil sakanila. Kotang-kota na ako sa masasakit na salita saakin. After ng kasal nangyari because akal ko after kasal matatanggap nila worst ko, tipong pag nagagalit ako nakakasalita ako ng prangka. But it doesnt mean walang respeto doon, never naman ako nagmura harap harapan e. Yun yung totoo e, ilalabas ko. But after nangyari yun, na realize ko na eto pala talaga ang way na sinasabi ni God saakin, na enough na ako sakanila, tama na mag beg sa kanila. Na realize ko rin na ang hirap pala silang pakisamahan, kasi pakisamahan mo man o hinde, may sasabihin at sasabihin sila sayo ng di tama, worst nun di kaya mag amin ng mali nila. Naaawa ako sa asawa ko, sya dinidiin everytime may issue sila saakin, infact sila lagi nagsisimula kaya ganun nagiging reaction ko sakanila. Para bang sinasabi nila na " Hoy di mo kame pwede sabihan or itama, kame lang nakakagawa sayo ng ganun " 2021, na realize ko worth ko bilang isang ina at asawa. Thank you kay lord, nakakatulog ako mahimbing ng wala na akong bigat na dinadala, sa 7 years kasi namin ni kirk, grabe ang begging ko tanggapin ako. Totoo nga talaga kapag malapit ka kay God, di ka hahayaan nya, halip ipaparealize nya sayo ano ang worth mo. Ngayon, Ok na ok ako kahit di nila pansinin or ano, ok lang saakin unlike noon napaka affected ko.

Magbasa pa
5y ago

Good for you, mommy. Totoo yan, kung gusto ka nilang i-treat nang maayos, they would. Hindi mo na kailangang mag-beg ❤️