What's your take on parents who are so dependent on their yaya? Kahit family day kasama pa din yaya kahit na pwede naman sila na magalaga sa kids nila?

"YAYA" Bilang isang dating kasambahay sa loob ng 6 years ay masasabi ko na iba iba talaga ang tao pagdating sa trato sa mga yaya nila. tulad sakin sa una kong amo tuwing famday nila,may lakad sila ,importanteng okasyon na pupuntahan hindi nila ako sinasama sila talaga ang nag aalaga sa anak nila kapag sila ay nasa bahay na at kapag sila ay aalis. so ako gustong gusto ko kasi hayahay na ako pag ganon pahinga,pag andyan sila or may lakad sila kasama anak nila sila ang nag aalaga talaga. sa pangalawa ko naman na amo na kapatid lang din ng una kong amo sinasama nila ako kahit saan sila pumunta hindi para mag alaga ng anak nila kundi dahil gusto nila na masaya din ako, gusto nila na matikman ko din kung ano kinakain nila, gusto nila mag enjoy din ako, turing nila sakin hindi katulong kundi kapatid kasi kilala kona sila at mas malapit ako sa knila noon kaysa don sa kapatid na una kong amo, masarap lang sa pakiramdam na hindi yaya turing nila sakin kundi kamag ank,o kapatid kaya pag nasa labas kami para lang akong di yaya sila nag aasikaso sa ank nila pati pa nga ako inaasikaso minsan pag nasa labas tulad pag kakain sa mga resto ,haha.. hays.
Magbasa pa


