45 Replies

Lahi po ang cleft.. hindi sya nakukuha sa pagkaalog ng tyan natin.. but next time ingatan dahil mas prone po tayo sa pagkalaglag ng baby lalo na at kung mababa matres natin.

Tagtag nga ako sa byahe araw araw pero ok naman baby ko .. hereditary daw po ako ang cleft palate or birth defects na basta make ur self na healthy lagi..

Ako din naman. Naalog sa jeep, bus, motor, lahat ng klaseng pagkatagtag. Nahulog pa ako sa maliit na upuan bago magpa CAS. Okay naman baby ko. 😁

Ako dn mommy tagtag dn sa byahe at sa work nung nagbubuntis ako. Pero wala naman ganun si baby. Alam ko sa genes dn yan mommy nakukuha

namamana sya usually or ngkulang sa folic acid or essential vitamins nung ngdedevelop si baby. or mga gamot na ininum habang buntis ganun.

yung MIL ko po nung pinagbubuntis daw nya yung hubby ko nadulas daw sya pero di nman naapektuhan yung baby..natakot sya na baka mabingot.

sobrang tagtag ako sa pagbubuntis ko. . na aksidente at nahulog pa nga sa motor. .but acc. to doc. hereditary naman ang pgkkaroon nyan.

VIP Member

Ilang beses rin ako naalog sa jeep, nadudulas pa nga pero di nagka cleft yung anak ko. Hindi mo talaga masasabi kung saan magkakaron ng cleft

Salamat po mommy. 😘

VIP Member

di naman totoo yun. ang cleft a hereditary hindi dahil sa naalog o natagtag. protected ng amniotic fluod ang baby sa loob

VIP Member

Pwedeng sa genes, pwedeng exposure sa mga chemicals while pregnant but definitely hindi dahil sa pagkaalog

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles