pano maiwasan magkapunit sa normal delivery

may ways or tips ba para maiwasan na may mapunit sa pwerta o maging maliit lang yung punit? 5 months palang naman ako ftm pero hindi sa paglalabor ako kinakabahan kundi sa mga tahi na gagawin after manganak. nabasa ko kasi minsan daw walang anesthesia sa pagtatahi e at umaabot hanggang pwet. baka may alam kayong pwede gawin para malessen yung magiging punit. thank you so much. #firsttimemom #advicepls

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yan din ang problema ko kasi sa panganay ko tinahi ako kahit d naman napunit kasi 2.8 lng anak ko.grabe sigaw at nanginig ako akala ko bibigay na ako dahil dun.kaloka d ko magets bakit walang anesthesia pg ganun sabe naman ng iba merong anesthesia sa knla bka kako depende sa napanganakan mo.malas ko dun ako napunta ang susungit pa ng mga doctor at midwife para silang nagkakatay.worst experience ever.im talking about RMC sa pasig way bck 2017.now i am 37weeks malapit na pero i decided na sa lying in para kht papano d ko na maranasan un kz nakakatrauma sya promise.3yrs bago nawala ang trauma ko kapag nakakita ako ng hospital at buntis.parang naaawa ako sa buntis yung pakiramdam na ganun lhat ng hospital pero sabe naman nila nde naman daw.

Magbasa pa
2y ago

Ou nga e.. godbless u ingat kau ng babu mo.

sa eldest ko sis may tahi din ako pero sinabihan na ako ng OB ko habang nasa delivery room na if mahirapan ako ilabas si baby or malaki si baby tatahi nya dyan, sabi ko Ok. kaya nung lumabas baby ko 2.7kgs nakatulog na ako agad. Pag gising ko ayun nga daw need das na tahiin pero maayos ung pagkahiwa at tahi ng OB ko sis. So wala akong reklamo sa OB ko. Kasi ininform nya naman ako ng mga possibleng mangyayari. Mdali din naghilom ang tahi ko nun sis 1week lang nakakagalaw na ako at nkw 30months na eldest ko wlang bahid ng hiwa at tahi saken. Kaya nga simasabihan na ako ng OB ko pag dating ng 3rd trimester magdiet pra hnd gnun lumaki si baby at hnd ako mahirapan.

Magbasa pa
VIP Member

Search nyo po mami yung “perineal massage”, pwede nyo yun ipagawa kay hubby habang buntis pa kayo para pagkapanganak maiwasan yung punit. Kahit nasearch ko yan dati, di naman namin nagawa kasi ayaw gawin ng hubby ko 🥲 ayun, nag-episiotomy yung OB ko sakin nung nanganak na ko kasi it turns out ang laki pala ng ulo ni baby. Bukod sa cut na ginawa ng OB ko, nagkaroon pa ng additional tear na umabot hanggang pwet habang lumalabas si baby. Kaya dalawa yung tahi ko. Di ko naman po ramdam nung tinatahi na ko since in effect pa yung epidural. Pero after mawala yung effect ng epidural, dun ko na po naramdaman yung sakit lalo pag umuupo 😅

Magbasa pa

3.4 si baby ko and talagang may punit hanggang pwet yun ang pinaka masakit kesa sa pag labor hahaha yung pag tahi sa labas ng skin yung sa loob kasi di ko naramdaman since nag anesthesia sila pero yung sa labas walang anesthesia hahaha sobrang tagal ng pagtahi nakakangalay sa binti. Pero worth it naman lahat kasi yakap ko si baby hahaha di ata talaga maiuwasan yung punit lalo if malaki si baby and para din naman saatin yun para mailabas ng maayos si baby na walang prob..

Magbasa pa
2y ago

saakin di naman ng keloid ☺️ basta maayos ang pagkakatahi di mapapansin hehe ngayon sa pangalawa ko for sure punit nanaman hehe

base on my experience sa 1st baby ko nung pinunit feeling mo walang anesthesia pero meron kasi diko na rin nafeel pero yung vibrate ng paghiwa naramdaman ko pero diko na mafeel pain kasi nga nanganak na ako nakaraos na at nakatingin nalang sa baby mo . sinasabi lang natin na di natin mafeel na may anesthesia kasi yung pain ng paglabor at pagluwal sa baby natin of normal is nandon pa kaya akala natin walang anesthesia pero meron. ☺️

Magbasa pa

hello mommy, perineal massage po, i think mga 1 month before birth para ma stretch po yung perineum to REDUCE THE CHANCES of episiotomy o yung pagpunit. May proper way po kung paano gawin, magpatulong po sa husband niyo po. Need mo lang is oil, pwede edible oil like olive or virgin coconut oil. E Google nio nalang paano gawin or sa youtube may mga videos para di na kayo mahirapan paano gawin ang proper procedure

Magbasa pa
TapFluencer

ako sa 1st baby ko hiniwaan ako hanggang pwet dahil di raw ako marunong umire at maliit ung sipit-sipitan ko kahit maliit lang si baby. nung pagtatahi na, halos isumpa ko na lahat ng tao sa mundo sa sobrang sakit 🤣 mas masakit pa pagtatahi sa akin kasi walang anesthesia kesa sa paglalabor ko. ngayong buntis ulit ako, inaaral ko na umire pati na-sstretch din ako onti para di na yun maulit 🤧

Magbasa pa

naniwala ka jan na walanq anesthesia baka di lanq tumalan sa kanya kaya feeling niya di siya tinurukan..sasabihan kana man niyan ng midwife or ob na tuturukan ka anes kasi tatahiin punit mo... yunq tahi ko nga malapit na sa pwet tapos nararamdaman ko pa paghinihila ng ob yung sinulid...ramdam ko talaqa yun..sabi nga ng ob bat mo nararamdaman e naka anes kana man ...haha

Magbasa pa

FTM din ako at kakapanganak ko pa lng nung June 2022. So far isang punit lng sakin ginawa ng mga nagpa anak sa akin sa ospital 3.2 kgs lng si baby maliit lng dw pero need pa din ako punitan para mas mabilis makalabas si baby. 1 week lng hilom na din sugat ko panay inom lng din ako ng mga pangpahilom ng sugat at betadine feminine wash yung purple gamit ko pang hugas

Magbasa pa

dipende sa midwife o ob na magpapaanak un eh. ung sakin nga ginawa nilang baboy as in tatlong magkakalihis na punit pagkukutsilyo pa niya parang sa tinapay. hayyy nakakapanglumo. apaka galing ko naman umire di naman need . ewan ko ba. pero pag ramdam mong lalabas na talaga lakasan mo lang ung ire tas tama na para wala ng punet

Magbasa pa
2y ago

yung sakin isang punit lang pero malapit na umabot sa pwet di kc maka labas ulo ng bb ko,maliit nmn daw bb ko pero kailangan mataas ang punit kc naka cord coil isa ..