pano maiwasan magkapunit sa normal delivery
may ways or tips ba para maiwasan na may mapunit sa pwerta o maging maliit lang yung punit? 5 months palang naman ako ftm pero hindi sa paglalabor ako kinakabahan kundi sa mga tahi na gagawin after manganak. nabasa ko kasi minsan daw walang anesthesia sa pagtatahi e at umaabot hanggang pwet. baka may alam kayong pwede gawin para malessen yung magiging punit. thank you so much. #firsttimemom #advicepls
Yung sa akin naman po, may isang straight na tahi hanggang pwet, kaso sa sobrang pagod ko sa pag ire nakatulog ako habang tinatahi kaya hindi ko namalayan yung sakit. Binigyan rin ako nang relaxant thru IV nang ob ko kaya wala ako masyadong maramdaman na pain hanggang 3 days after labor.
Ako nman ganun Din may tahi hangang pwet pero dko na naramdaman kasi pag tapos ko ilabas si baby narinig ko lng iyak nya ng kunti tapos nkatulog na ako. Pag gising ko OK na lahat. Pero masakit sya ng almost 1month. Pati ngayun may kunting hapdi kapag naku kuskos. 2 mons na baby ko
Ako po 2.9kg baby boy 3rd degree yung tahi ko abot sa laman ng pwet konting hiwa lang ginawa pero kusang napunit hanggang pwet gawa ng nakatingala si baby pero habang tinatahiaan ako pinatulog ako ng ob ko di ko naramdaman yung tahi maganda din pag kaka tahi kase sa loob.
pag panganay ata talaga punitin ehh or ewan basta yung sakin grabe grade 4 na punit buti nalang mataas pain tolerance ko kaya pag punit at tahi wala lang sakin kahit walang anesthesia mas ramdam ko yung sakit ng hilab ng tyan ko kaysa punit🥲
sabi ng kaibigan ko ginunting daw yung sa kanya habang inaantay pa yung decision ng mister nya kung gugupitin/pupunitin or hindi. hehe hindi na daw sya nakapag salita at umire nalang sya kasi nagulat din sya at ginunting nalang sya bigla 😅
Ganyan ako sa 1st pregnancy ko. May cut. Pero alam mo kasi yung punit feeling ko parang ending part n siya. Pinakamasakit pa rin ang labor. Di ako tinablan masyado ng anaesthesia sa tahi, pero keri lang. Sa labor ka talaga madadala 🤣
AKO SA FIRST & SECOND BABY KO WALA AKONG PUNIT, KASI PAGKA IRE KO LABAS AGAD ANG BATA, PERO UNG PANGANAY KO IS KULANG 5KILOS SYA, SLIM LANG AKO PERO NAKAYA KO. SANDALI LANG DIN AKO MAGLABOR, 1-2HRS LANG.
thank you mii. hilig ko kasi maglakad lakad pagka nasa 8th Months na ako. Kaya napapagpag ako.
sakin okay lang naman kahit walang anesthesia, ramdam na ramdam ko nga yung pag hiwa sakin e tsaka pagtahi, yung labor talaga masakit para sakin yawaaaa. Depende siguro sa pain tolerance yan mi.
dpende po sa laki ng ulo ng bata at sa laki ng pwerta mo. tsaka nag anesthesia naman po kaso yung nakakatakot lng kng hnd umeepekto same sakin kahit anong anesthesia nakakaramdam parin ako
nung ako po nanganak may tinurok anesthesia tsaka diko na po naramdaman siguro dahil sa sakit ng labor hahaha
Mum of 1 fun loving cub