My unexpected pregnancy journey

It was Sept 26 nung nagkaroon ako ng menstruation, so nagdecide ako na magtake na ULIT (yes, ulit kasi napatigil at natakot ako na magbuntis kasi 3 years old pa lang ang bunso namin) ng pills. Then, after 21 days, may grace period ako na 7 days, waiting for menstruation to come. Unfortunately, hindi ako nagkamens. Medyo pinatagal ko pa ng 1 week ang paghihintay kasi, feeling ko nagloloko lang talaga mens ko, then, nagdecide nako na mag Serum PT kasi gusto ko na mag take ulit ng pills. Pagpunta namin sa clinic, ayun, positive ang result ng PT. Natatawa kami ng asawa ko kasi kung kelan talaga nakapills, dun pa ako nagbuntis. Then, nagdecide na kami magpacheck up sa OB ko, so expected namin, mga 5-6 weeks pa lang ang baby ko, pero nung naultrasound ako ng OB, shookt kami kasi 11 weeks na.. Medyo sad kasi yung time na nag start ako ng pills, buntis na pala ako noon, pero sabi naman ng OB wala naman daw dapat ipag alala.. Humabol at bumawi na lang kami sa pag inom ng vitamins. So, as of today, turning 17 weeks na ang aking tyan..It's my third and last baby kasi CS po ako. :) #pregnancy

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganun talaga momsh hehe minsan kung kelan parang di ka handa, saka ibibigay. same as ours. widthdrawal kami ni hubby and di pa ko nakaka move on sa miscarriage ko a year ago tapos babad pa ko sa gym doing strenous exercise pero now, ito na, going 5 months na ung baby namin super healthy pa tapos yung gusto pa naming gender, girl 😅 kahit CS ako, masaya naman ako. pakiramdam ko nga, ayaw ko na magkaanak ng isa pa. nakumpleto bigla buhay ko kahit na unexpected ung daughter ko. parang gusto ko nalang ibuhos lahat sa kanya ng pagmamahal at ayaw ko na magkaroon siya ng kahati na kapatid.. I dunno pero ganun feeling ko kasi after 13 years lang kami nagkababy ng asawa ko.

Magbasa pa
4y ago

Naku, congrats sa'yo Momsh.. Sa totoo lang, dahil pangatlong baby ko na ito, dun ako sa pangalawa naaawa kasi 3 years old pa lang sya.. Pero sana eh mapalaki na lang namin sya ng maayos na mahal nya pa rin itong kasunod kahit f na f na namin ng daddy nila na parang sya ang baby namin.. Although very unexpected, very excited na rin kami kasi next check up, malalaman na namin ang gender.. 🤩🤩 Nakakatuwa basahin comment mo kasi feel na feelo ko yung love at excitement sa bawat milestones ni baby.. And as always, napakalaking blessing saten ng mga babies naten.. 😍😍