Yes, mukha siyang genital warts (not professional here). Para mas makontento ka magpa 2nd opinion ka sa ibang doctor. Mag pa pap smear test ka sana. Walang magagawa ang paghuhugas after ng sex kasi once nagcontact ka sa may hpv meron ka na nyan. Pwedeng matagal lang lumabas yung symptom, like genital warts pag na compromise yung immune system nung infected. Kaya bawal ma stress. Sure ka ba na yung partner mo is ikaw lang din ang naka sex kahit before ka pa nakilala? Kasi ang pagkaka alam ko lang ha, sa nabasa. Pwedeng maging dormant yung virus sa tao pag healthy siya, hindi lalabas symptom. Nakipag sex siya tapos yung naka sex niya bumaba resistensya niya dun na lalabas yung ganyan. Magpa vaccine ka kasi maraming strain ng hpv, nakaka cause kasi ng cervical cancer.
Magbasa pa