A story of a girl

‼️WARNING MAHABA PO ITO‼️ Dito ko nalang ilalabas yung bigat na meron ako sa puso ko. Less judgement kapag hindi kilala ang makabasa e. Thank you and im so sorry. Bata pa lang ako narape na ko. Nagsumbong ako sa magulang ko pero sila mismo hindi naniwala. Why? Kasi kuya ko yung nangrape sakin. Sabi pa sakin ng magulang ko malandi ako. Take note 9 years old lang ako that time. Paano ko magiging malandi? Yung kuya ko 15 years old that time. Pero dahil walang ginawang actions parents ko hinayaan ko pero takot na takot ako sa kuya ko until now. May anak na ko ngayon, 8 months old na yung baby ko. And I am 22 years old. Single mom ako. Bakit ako single mom? Kasi yung tatay ng baby ko sinasabi na ginusto ko yung rape. Yes, tama basa mo. Narape ULIT ako. Minsan iniisip ko nabuhay ba ko para babuyin ng mga walanghiyang lalake? Nabuhay ba ko para dungisan ang pagkababae ko? I know may pagkakamali ako na di ko agad sinabi sa tatay ng baby ko na buntis ako. Kasi break na kami and willing ako maging single mom kasi kahit yung tatay ng baby ko ginagago na ko. Sinabi ko sa kanya na narape ako. Pero alam mo sabi niya? Ginusto ko yung rape. Kasi daw walang nakakulong. Kasi kung nirape daw ang babae dapat daw ipakulong. Tama nga naman siya don pero hindi porket hinayaan na manahimik e walang rape na agad. Nung narape ako nung lalake na yon nagsabi ulit ako sa parents ko pero sarili kong magulang ang sinasabi pokpok ako kaya hindi sila naniniwala. For you to know, hindi ako pokpok. Matino akong babae at alam yan ng mga kaibigan ko at ng mga pinsan ko. Mas gugustuhin kong magutom nalang kesa magbenta ng katawan para lang may pangkain ako. Ayokong magkasakit dahil sa sex. Malaking gastos. Masakit sa ulo. Saya no? Sarili kong magulang ganon magisip. Kaya naging independent ako. Buntis ako yung tatay ng baby ko walang binigay kundi sakit ng ulo at stress. Nangbababae, nakikipaginuman kung san san. For short buhay binata. Tinanggi niya ng madaming beses yung anak namin kaya sabi ko sa sarili ko hahayaan ko na siya. Tanggap ko na single parent na ko. Nanganak ako yung tatay ng baby ko nakita yung picture ng anak ko dahil nagstory ako sa instagram ng picture ng baby ko. Hindi ko matatanggi na kamukhang kamukha niya yung anak namin. Nagchat siya sakin. Sabi niya "ang gwapo ng anak natin" hindi ako nagreply nainis ako sa sinabi niya. Ngayon sasabihin niya na anak natin. After niya itanggi ng madaming beses at tawaging batang anak ng rapist. Masakit sakin yon na tawagin anak ko ng ganon ng sarili niyang tatay. Simula pagkapanganak ng baby ko until now yung tatay ng baby ko sinasabi sakin gagamitin last name niya. Ako ayoko. Wala na kong balak. Kasi wala naman siyang natulong. Sakit pa siya sa ulo. Sa araw araw na ginawa ng Diyos simula noong buntis ako hanggang ngayon wala siyang sinabi kausapin ko man o hindi kundi ginusto ko yung rape. Bayarin akong babae. Masakit yon. Sobra. Iniiyikan ko yon gabi gabi hanggang ngayon. Sarili niyang magulang tinanggi na apo nila yung anak ko. Kaya sabi ko wala na kong aasahan sa kahit na sino. Yung tatay ng baby ko nananakot na kung hindi ko daw ibibigay yung custody ng anak namin sa kanya at di ko ipapagamit last name niya ipapa korte niya nalang daw at ang korte na ang bahala magdesisyon. Lahat daw gagawin niya para mapunta sa kanya yung anak niya kasi wala daw akong kwentang tao. Ang sakit no. Ako pa walang kwenta. Kapag daw hindi niya nakuha custody ng anak namin at hindi nagamit ng anak namin yung last name niya magpapakamatay daw siya. Wala akong alam sa law pero ang alam ko hindi pwede malayo ang anak ko sakin lalo na wala namang tatay na nakapirma sa birth certificate niya at hindi naman ako kinasal sa tatay niya. Now, hinihintay ng tatay ng baby ko matapos yung lockdown at ipapakorte nalang niya lahat lahat. Maoopen din daw sa korte yung rape case ko. Ipopost niya daw sa social media yung rape story ko. I dont know what to do. Wala ng pakelam parents ko sakin. Binubuhay ko ng sarili kong sikap yung anak ko. Hindi ko na kaya sarilihin pa lahat. Deserve ng anak ko yung best na ako at hindi yung miserable na ako. Ayokong mawala anak ko sakin. Siya nalang yung meron ako, hiniling ko sa Diyos yung anak ko. Kawawa lang siya sa tatay niya kung makuha siya ng tatay niya.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

You know what sis , mga kagaya natin na rape victim ay malaking dagok sa buhay natin mga pinagdaanan natin pero kinakaya natin. Alam mo sis, ako nga grade 6 pa lang ako ginalaw nako ng uncle ko which is bunsong kapatid ng mama ko. Nun una oo natakot ako na baka di ako paniwalaan ni mam pero thanks god ako kinampihan nya. Then un 1st year hs ako classmate ko naman hinipuan ako then nun 2nd year hs ako isang baliw na nakasalubong ko sa daan bigla dinakma yun pagkababae ko then nun Grade 11 ako narape ako dahil sa sobrang pagttiwala ko sa mga kaibigan ko. Isang manliligaw ko na frinend zone ko ang gumawa sakin. Then nag transfer ako ng school at nag stop ako ng 2nd sem. In the next school year syaka ko pumasok ng school at inulit ung grade 11 year. Pero nun grade 12 nko na gang rape naman ako ng mga taong pinagkakatiwalaan ko mga nagseserve pa naman sa church at mga tahimik kaya di mo aakalain na magagawa nila un. And now buntis ako pero sa boyfriend ko oo alam ko at alam ng bf ko na knya un dahil nun narape ako nagpa medicol legal at at ng pt pero negative at dinatnan ako last week ng september lang. Pero sinabi ko sa parents ko na nabuntis ako sa rape oo alam.nila na narape ako kya nagsampa kami ng kaso! Ang kaso nga lang, naniwala sila sakin na nabuntis ako sa rape oo alam kong maling mali na idinahilan ko un pag rarape sakin kya ako nabuntis. Pero ginawa ko to kse iniingatan ko ung partner ko. I was only 20 years old and ung bf ko 29 years old oo tanggap sya ng family ko kaya ko ginawa un kse ayoko masira sya sa pamilya ko. Ano nalang sasabihin sa knya pag nalaman na kanya yun. Sa sitwasyon namin now oo niloko ko parents ko .. and sobrang humanga sila sa partner ko dahil ang alam nila nga nabuntis ako sa rape pero buong buo ako tinanggap ng partner ko and lagi sya nagpapadala sakin nagsusustento. Ginawa ko din ito dahil ayoko mahirapan ang partner ko para mabuhay nya ko dahil tumatak sa isip ko noon ang sinabi ng parents ko samin magkakapatid na sino man ang mag asawa ay aalis na dito sa pamamahay nila. Pero ngayon, balak ako pag aralin ng parents ko at ituloy ang kursong nursing next year ... Tanggap nila ako at ang bata at ang bf ko naman ay super excited na kahit ako sa paglabas ng angel namin. Oo alam ko may rason ang lahat ng nangyayare. Isa din itong way para maging maayos kami ng partner ko at ang relasyon nya sa pamilya ko na mas nagtiwala sa kanya. Pero inaalala ko ano nalang kaya ang sasabihin ng pamilya ng bf ko gayung alam nila na narape ako? Pero ! Malakas loob ko na maniniwla sila na sa anak nila ang batang ito lalo nat pag labas neto at makita na kamukha nya ang daddy nya. Sa ngayon, pag may magttanong sakin sino ang ama lagi at gusto ng parents ko nasabihin ko na ung partner ko bf ko ang ama at diko na need ikwento pa ang past ko. Kaya sis, lahat ng nangyayare satin ay may dahilan ang lahat. Wag ka mahihiya umiyak kay god at magsabi ng lahat. Lagi ka lang maging positibo ..

Magbasa pa