A story of a girl

‼️WARNING MAHABA PO ITO‼️ Dito ko nalang ilalabas yung bigat na meron ako sa puso ko. Less judgement kapag hindi kilala ang makabasa e. Thank you and im so sorry. Bata pa lang ako narape na ko. Nagsumbong ako sa magulang ko pero sila mismo hindi naniwala. Why? Kasi kuya ko yung nangrape sakin. Sabi pa sakin ng magulang ko malandi ako. Take note 9 years old lang ako that time. Paano ko magiging malandi? Yung kuya ko 15 years old that time. Pero dahil walang ginawang actions parents ko hinayaan ko pero takot na takot ako sa kuya ko until now. May anak na ko ngayon, 8 months old na yung baby ko. And I am 22 years old. Single mom ako. Bakit ako single mom? Kasi yung tatay ng baby ko sinasabi na ginusto ko yung rape. Yes, tama basa mo. Narape ULIT ako. Minsan iniisip ko nabuhay ba ko para babuyin ng mga walanghiyang lalake? Nabuhay ba ko para dungisan ang pagkababae ko? I know may pagkakamali ako na di ko agad sinabi sa tatay ng baby ko na buntis ako. Kasi break na kami and willing ako maging single mom kasi kahit yung tatay ng baby ko ginagago na ko. Sinabi ko sa kanya na narape ako. Pero alam mo sabi niya? Ginusto ko yung rape. Kasi daw walang nakakulong. Kasi kung nirape daw ang babae dapat daw ipakulong. Tama nga naman siya don pero hindi porket hinayaan na manahimik e walang rape na agad. Nung narape ako nung lalake na yon nagsabi ulit ako sa parents ko pero sarili kong magulang ang sinasabi pokpok ako kaya hindi sila naniniwala. For you to know, hindi ako pokpok. Matino akong babae at alam yan ng mga kaibigan ko at ng mga pinsan ko. Mas gugustuhin kong magutom nalang kesa magbenta ng katawan para lang may pangkain ako. Ayokong magkasakit dahil sa sex. Malaking gastos. Masakit sa ulo. Saya no? Sarili kong magulang ganon magisip. Kaya naging independent ako. Buntis ako yung tatay ng baby ko walang binigay kundi sakit ng ulo at stress. Nangbababae, nakikipaginuman kung san san. For short buhay binata. Tinanggi niya ng madaming beses yung anak namin kaya sabi ko sa sarili ko hahayaan ko na siya. Tanggap ko na single parent na ko. Nanganak ako yung tatay ng baby ko nakita yung picture ng anak ko dahil nagstory ako sa instagram ng picture ng baby ko. Hindi ko matatanggi na kamukhang kamukha niya yung anak namin. Nagchat siya sakin. Sabi niya "ang gwapo ng anak natin" hindi ako nagreply nainis ako sa sinabi niya. Ngayon sasabihin niya na anak natin. After niya itanggi ng madaming beses at tawaging batang anak ng rapist. Masakit sakin yon na tawagin anak ko ng ganon ng sarili niyang tatay. Simula pagkapanganak ng baby ko until now yung tatay ng baby ko sinasabi sakin gagamitin last name niya. Ako ayoko. Wala na kong balak. Kasi wala naman siyang natulong. Sakit pa siya sa ulo. Sa araw araw na ginawa ng Diyos simula noong buntis ako hanggang ngayon wala siyang sinabi kausapin ko man o hindi kundi ginusto ko yung rape. Bayarin akong babae. Masakit yon. Sobra. Iniiyikan ko yon gabi gabi hanggang ngayon. Sarili niyang magulang tinanggi na apo nila yung anak ko. Kaya sabi ko wala na kong aasahan sa kahit na sino. Yung tatay ng baby ko nananakot na kung hindi ko daw ibibigay yung custody ng anak namin sa kanya at di ko ipapagamit last name niya ipapa korte niya nalang daw at ang korte na ang bahala magdesisyon. Lahat daw gagawin niya para mapunta sa kanya yung anak niya kasi wala daw akong kwentang tao. Ang sakit no. Ako pa walang kwenta. Kapag daw hindi niya nakuha custody ng anak namin at hindi nagamit ng anak namin yung last name niya magpapakamatay daw siya. Wala akong alam sa law pero ang alam ko hindi pwede malayo ang anak ko sakin lalo na wala namang tatay na nakapirma sa birth certificate niya at hindi naman ako kinasal sa tatay niya. Now, hinihintay ng tatay ng baby ko matapos yung lockdown at ipapakorte nalang niya lahat lahat. Maoopen din daw sa korte yung rape case ko. Ipopost niya daw sa social media yung rape story ko. I dont know what to do. Wala ng pakelam parents ko sakin. Binubuhay ko ng sarili kong sikap yung anak ko. Hindi ko na kaya sarilihin pa lahat. Deserve ng anak ko yung best na ako at hindi yung miserable na ako. Ayokong mawala anak ko sakin. Siya nalang yung meron ako, hiniling ko sa Diyos yung anak ko. Kawawa lang siya sa tatay niya kung makuha siya ng tatay niya.

24 Replies

We're the same lang po ate but magkaiba lang po tayo actually 5 or 6 years old I've got rape of my 3 cousin's yung dalawa kasing edad ko lang tas yung isa 12 years old. Hanggang sa nagkasunod-sunod yung rape sakin ng dalawa ko nalang ng pinsan yung magkasing-edad kolang tas sinabi nila sakin na it is a game. Then second I met a boy actually he is my first crush, first love and my everything siya yung mundo ko at ang buhay ko at hindi nagtagal ganun din ang intention niya ni-rape niya ako halos araw-araw and he told me that is a game only. One day nalaman-laman ko na pupunta na siya sa Bohol then I ask him kung tama ba yung narinig ko hindi man lang siya kumibo or else at kinabukasan nun ay umalis na siya. I've got rape also of my bestfriend, Uncle, Cousin, and friend pero nalaman ko lang ngayon na nagdadalaga na ako na hindi yun laro lahat it's a rape. Ginago nila ako lahat sinabi ko sa sarili ko na pinanganak lang ba talaga ako dito para maging isa masamang babae at malandi btw hindi ko sinabi sa parents ko ang mga nangyayari sa akin kasi kung malalaman nila kamumuhian nila ako at palalayasin sa lugar namin. Hindi ko din sinabi sa mga kaibigan ko at lahat-lahat tangging sarili ko lang ang kinaka-usap ko sa mga ganitong topic sa buhay ko at ngayon hindi ako nagdadalwang isip na ibahagi ito sayo ate kasi alam kung maiitindihan mo ako. Hindi ko sinasadya ang lahat ng nangyayari sa buhay ko at Hindi ko intention na maging masamang babae kasi hindi ko pinangarap na maging isang malanding babae I was caught in the trap lahat ng pinapalabas nila sa akin ay kasinungalingan I hate them all but yung First love ko lang talaga bumalik this year and now classmate kami actually I am a Grade 10 student hindi kami mayaman ng parents ko, mahirap lang kami then I'm scared na baka gagawin niya ulit ang ginawa niya noon sa akin pero itong pusong tanga kung to bumalik ang nararamdaman ko para sa kanya. One day he ask kung pwede bang makipagkita ako sa Kanya and I said yes pero nung araw na magkikita sana kami ay hindi natuloy dahil may lakad sila ng kaibigan niya actually in the night he chat me he send a link na hindi ko makita dahil see photos wala kasi akong load mabuti nalang may piso WiFi kaya nagpiso WiFi ako saglit and nakita ko yung sinend niya sakin pero diko pinindot yung link nakita ko lang yung picture and he ask me kung pwede ba kaming mag-s*x but I sad no, no hindi pwede kasi mabubuntis ako at syaka masisira ang buhay ko sinabi niya nalang na makikipagkita siya sa akin then I said yes sinabihan ko siya na promise me hindi moko gagalawin and he doesn't respond my message nung papalabas na ako nakita ko yung chat ng babaeng pinsan ko na nagka-crush ba ako kay tisoy one of the friend of Froi my first crush and I said no sinabi ko san mo ba nalaman yan sinabi niya kay Jhared friend also of Froi but he ask me again meron bang nangyari sa inyo ni Froi? And I respond no, bakit mo ba natanong yan? She replied wala lang, naopen niya pala account kasi last time we meet nanghiram ako sa cp niya and nag-log in ako sa fb ng fb account ko and nakalimutan kung mag-log out and I don't think binasa niya lahat ng convo namin ni Froi at yun ang dahilan kung bakit niya ako tinanong ng ganun actually that time I'm so nervous hindi ko alam kung anong gagawin ko Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo or hindi nagdadalawang isip ako na baka Sasabihin niya yung totoo sa mga parents ko at ayokong magalit sila sakin lahat then she told me wag ka ng makikipagkita sa kanya and i reply sige, then this couple of days napapasin ko na hindi na niya ako sinasagot kung nagkikita kami or chinachat kahit hi man lang he block me on fb I didn't know kung bakit niya ginawa yun but this September napansin ko dito sa Room namin na may natitipuhan siyang friend ko and that is Nelyn actually meron nasiyang boyfriend pero LDR sila but sa tingin ko may change si Froi na maging sila and ayaw kung mangyari yun and now this couple of this muntikan ng nangyari na ang kinakatakutan ko kasi ang sweet nila sa isa't-isa syaka anong laban ko hindi naman niya ako girlfriend may nangyari lang sa amin pero ang sakit lang isipin na may nagugustohan siya iba at may kinakasama siyang iba at ang pinakasakit lang friend ko pa siguro kung alam niya na may nangyari sa amin sigurado akong kamumuhian niya kaming dalawa pero ang sakit lang kasing isipin na sila na yung close at ako pinagmamasdan lang sila na ang sweet nilang dalawa iniisip siguro nila na supportive ako sa kanila na masaya ako sa kanila but deep inside nasasaktan ako para bang sinasak yung puso ko ng karayom. Help me to fix this problem ate ayoko na siyang isipin at gusto kung mawala kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya andaming lalaki sa mundo pero bakit siya pa yung nagugustohan ko bakit ba kasi nagmamahal ako sa taong hindi dapat mahalin. I'm crying kanina lang at kinakausap ang sarili ko habang binabasa ko ang story mo ate kasi naaalala ko yung past ko but I'm praying to God na sana nakalimutan ko na ang past ko and also makalimutan ko na din si Froi labis-labis na kasalanan ang pinagsisihan ko this time at I hope I recover.

para kang tanga

You know what sis , mga kagaya natin na rape victim ay malaking dagok sa buhay natin mga pinagdaanan natin pero kinakaya natin. Alam mo sis, ako nga grade 6 pa lang ako ginalaw nako ng uncle ko which is bunsong kapatid ng mama ko. Nun una oo natakot ako na baka di ako paniwalaan ni mam pero thanks god ako kinampihan nya. Then un 1st year hs ako classmate ko naman hinipuan ako then nun 2nd year hs ako isang baliw na nakasalubong ko sa daan bigla dinakma yun pagkababae ko then nun Grade 11 ako narape ako dahil sa sobrang pagttiwala ko sa mga kaibigan ko. Isang manliligaw ko na frinend zone ko ang gumawa sakin. Then nag transfer ako ng school at nag stop ako ng 2nd sem. In the next school year syaka ko pumasok ng school at inulit ung grade 11 year. Pero nun grade 12 nko na gang rape naman ako ng mga taong pinagkakatiwalaan ko mga nagseserve pa naman sa church at mga tahimik kaya di mo aakalain na magagawa nila un. And now buntis ako pero sa boyfriend ko oo alam ko at alam ng bf ko na knya un dahil nun narape ako nagpa medicol legal at at ng pt pero negative at dinatnan ako last week ng september lang. Pero sinabi ko sa parents ko na nabuntis ako sa rape oo alam.nila na narape ako kya nagsampa kami ng kaso! Ang kaso nga lang, naniwala sila sakin na nabuntis ako sa rape oo alam kong maling mali na idinahilan ko un pag rarape sakin kya ako nabuntis. Pero ginawa ko to kse iniingatan ko ung partner ko. I was only 20 years old and ung bf ko 29 years old oo tanggap sya ng family ko kaya ko ginawa un kse ayoko masira sya sa pamilya ko. Ano nalang sasabihin sa knya pag nalaman na kanya yun. Sa sitwasyon namin now oo niloko ko parents ko .. and sobrang humanga sila sa partner ko dahil ang alam nila nga nabuntis ako sa rape pero buong buo ako tinanggap ng partner ko and lagi sya nagpapadala sakin nagsusustento. Ginawa ko din ito dahil ayoko mahirapan ang partner ko para mabuhay nya ko dahil tumatak sa isip ko noon ang sinabi ng parents ko samin magkakapatid na sino man ang mag asawa ay aalis na dito sa pamamahay nila. Pero ngayon, balak ako pag aralin ng parents ko at ituloy ang kursong nursing next year ... Tanggap nila ako at ang bata at ang bf ko naman ay super excited na kahit ako sa paglabas ng angel namin. Oo alam ko may rason ang lahat ng nangyayare. Isa din itong way para maging maayos kami ng partner ko at ang relasyon nya sa pamilya ko na mas nagtiwala sa kanya. Pero inaalala ko ano nalang kaya ang sasabihin ng pamilya ng bf ko gayung alam nila na narape ako? Pero ! Malakas loob ko na maniniwla sila na sa anak nila ang batang ito lalo nat pag labas neto at makita na kamukha nya ang daddy nya. Sa ngayon, pag may magttanong sakin sino ang ama lagi at gusto ng parents ko nasabihin ko na ung partner ko bf ko ang ama at diko na need ikwento pa ang past ko. Kaya sis, lahat ng nangyayare satin ay may dahilan ang lahat. Wag ka mahihiya umiyak kay god at magsabi ng lahat. Lagi ka lang maging positibo ..

Relate ako sayo sis. I was raped din a couple of time nang dalawang magkaibang tao. Dahil masyado akong matiwala. Maagang naghiwalay yung stepfather ko at mama ko, kaya wala siyang naipambuhay samin. Yung mama ko mas minahal niya yung sarili niya. Pinasapasa niya ko sa mga kamaganak ko na kayang magpakain sakin, bawat kanin na isubo ko may kapalit na pangangatulong, madalas wala pang pagkain dahil hindi daw ako kasama sa budget. Ni sarili kong tatay nuon hindi narin ako pinatira sa bahay nila at pinagaral dahil wala naman daw siyang mapapalang tulong sakin pagtanda ko. Pero hindi ako sumuko. But unlike you, nagawa ko ibenta yung katawan ko nang ilang beses para maitawid ko yung sikmura ko at tuition ko. Bagay na hanggang ngayon hindi ako pinapatulog. Iniiyakan ko rin yan. Sampung taon na nakalipas, yung nanay ko bago ako umalis sa poder nila gusto ako ipakasal sa bumbai na never nilang nakilala kapalit ang pera, saka magandang buhay daw sakin. Pero lumaban ako sa buhay sis, iniahon ko yung sarili ko sa lusak. Kumayod ako araw araw, nag invest ako sa skills ko. Ngayon maganda na yung buhay ko. May magandang trabaho ,Nagkaasawa ako nang gwapo at napakabait at maasikaso. Minsan dinadalaw ko prin yung pamilya ko para magabot nang tulong pero hindi ako makalimot sa sakit at pait na dinulot nila. Nagpaka layo layo ako at nagsikap sa buhay para makaranas nanf tahimik at masayang buhay. Malayo sknila. Ngayon magkakaanak narin ako. May awa ang diyos para sa mga katulad nating biktima nang mga taong walang kwenta. Laban sa buhay sis, hindi ako pinabayaan ni Lord. Ikaw din. Sending warm hugs sis. Di ka nagiisa.

VIP Member

*Warm hugs from me and may baby here* 💋 Wag ka matakot kung ipakorte man niya, pumayag ka. Hindi ikaw ang talunan dito mommy. Sila ang matatalo dahil ikaw ang nanay ikaw ang may mas karapatan. Sabihin mo ang totoo from the start hanggang ngayon na wala siya-silang naitulong at nagawa. Dagdag mo pa yong mga masasakit na salita galing sa kanila. Mas lalong di sila papanigan ng korte. Wag kang matatakot. Wag mo din isusunod sa tatay ang apelyedo, (kasi yan ang pagkakamali ko) hindi niya deserved. Isipin mo na lang kung paano ka niya tratuhin at anong ugali niya sayo, ganun din possible na mangyari at magawa niya sa baby nyo. Kung maopen man ang rape case mo, wag ka mahiya. There's a lot of women out there na may same situation katulad mo. At maganda yon para mas mabigyan ng hustisya yong nangyari at managot ang dapat managot. Basahin mo to mommy. Makakatulong to sayo para mas maintindihan mo. https://www.facebook.com/404809092901479/posts/2305771832805186/

Grabe parents mo sis! Sorry to say wla silang kwenta. Sobrang hrap ang pinagdaanan mo.. at yang lalaki na yan wla sya kwentang lalaki pgktpos mo paghrapn ang pagdadala sa baby nyo ng 9 months pti gastusan lht pti panganganak mo tpos ngyn nkita nya ippgamit family nme nya. Wla sya kwenta kya ndi nid ng baby mo family nme nya. Nkya mo lht ng wlng tulong nya kya mkkya mdin palakihin sau yn. At about sa korte wag ka mtakot wla nmn sya pirma sa birth cert ng anak mo. Ipaglaban mo custody ng baby mo.. plus kaw ang mother at minor pa yng baby mo kya sau papanig un korte. Hyaan mo sya mgubos ng pera sa pagfile ng case na elng kapupunthn. at ano ngayn kng makalkal man un kaso ng rape sau b4 hyaan mo sya. Bsta wag kng mtakot sis idemanda mo din yng lalaki na yn ng paninirang puri at magdemand ka ng danyos perwisyo sa gnawa nya sau pti pgkakalat ng past mo pra matuto yn... I salute u sis nkaya mo lht yn ng kaw lng... kapit klng sis malalagpasan mo lht yan... God Bless u!

Overall, nalungkot ako sa storya mo.. :( pero nakikita ko sayo na strong ang personality mo and kakayanin mo yan lahat. First, sa rape issue.. kung mkakaluwag ka ng bahagya... siguro maganda ikonsulta mo yan sa specialista? Kasi hindi biro yang trauma mo.. imagine bata ka pa lang dala dala mo na yan up to now. And sabi mo nga naulit pa. 😢 Secondly, may gnyan tlga na parents. May tinitignan sa mga anak.. kahit saken may ganyan issue. Tama yung ikaw na lang mismo mag taguyod sa sarili mo. Third, mag demanda kamo cya all he want. First of all.. baket wala cya pirma sa birth cert? Kasi wala sya dun sa hosp nung nanganak ka.. absentee partner na ngayon may gana mag habol.. sya nga dapat ireklamo sa vawc sa verbal abuse nya sau.. Lavan lang mamsh!

You know what guys, ang strong niyo. At kung may mga wrong moves man kayo sa past na naalala niyo padin or di kayo pinapatulog, wag niyo na alalahanin yun. Napatawad na kayo ni God. At to those na nasaktan ng sobra sa mga experiences na sobrang nakakatrauma, makakamtam niyo din yung peaceful na buhay soon, makakatulog ng mahimbing kasama ang anak. Dahil ito yung mahalaga ngyon, yung present at future. Kung pano tayo makakasurvive. Pwede pa ulit maging masaya, hindi natatapos ang life dahil sa mga taong naninira ng buhay. Sana patuloy kayong maging matatag. Ipaglaban yung tama at para sa inyo. Magiging okay ang lahat!

laban mo yan sis, walang wala ung tatay ng anak mo, ndi nia makukuha anak mo, dahil mula nag dalang tao ka e ndi ka nia tinaggap, tinanggihan ka pa, at lalong wala kang nakuhang sustento sa knya mula nagdalang tao ka, ung rape case mo kahit ungkatin nia yan mananalo ka, dahil ndi naman sya involve sa rapecase mo, ang involve lang in ung issue nio sa baby, sau pa din yan si baby mo dahil ikaw ang nag luwal sa kanya, ikaw ang naghirap mag isa, take note mo sis mag isa ka lang na lumaban. kaya mo yan sis, strong ka i feel you. Goodluck alagaan mo si baby mo.

Kaya mo yan mama. Go lang, laban. Tinatakot ka lang ng taong yan. Hindi nya makukuha anak mo sayo, unang una, hindi kayo kasal at under our law kapag hindi kasal Forever sa nanay ang anak kahit anong edad pa yan. Pangalawa, wala syang laban dahil hindi naman nakapangalan sa kanya yung anak mo. And regarding dun sa ipopost ka nya sabihin mo go lang, sa paraang yun, sya pa ang magkakaron ng kaso. Wag ka matakot sa mga walang kwentang pinagsasasabi nya. Hindi nya makukuha anak mo. And ikaw, marami ka pwede ikaso sa kanya kasi kung ano ano sinasabi nya sayo.

VIP Member

hi mommy. *warm hug tight* i salute you kasi super strong mo. dapat lang na WAG MO HAYAANG gamitin ang LAST NAME ng WALANG BAYAG mong EX. wala xang kwenta! wala din ako alam sa law pero good thing kasi sa birth Certificate niya, apelyido mo ang nairegister. doon pa lang wala na xang RIGHTS. pag once na apelyido niya ang ginamit mo, in the future kailangan pa pirma ng GAGO na yun sa mga docs or kapag mag aabroad si baby. ang alam ko bibigyan lang xa ng rights to visit your baby. pakatatag ka lalo ha para kay baby. GOD BLESS

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles