Mother's guilt
WARNING LONG POST! Masamang ina nga siguro ako kase ayaw ko magpabreast feeding at feeling ko mas okay kami ni baby. Not a first time mom, eldest ko 15 y.o, 2nd is 10 y.o, tpos bunso is 3 mos. Sa 1st and 2nd child ko mag 1-2 mos lng ako ng bf dahil balik agad sa work. Selfish nga ako kase pinili ko hbd mag bf at mag pump for my convenience. Thank God lumaking hnd sakitin ang mga anak ko. And now kay bunso sinubukan ko naman kaso hnd ko maexplain yung stress mentally bukod sa sobrang sakit ng boobs ko kpg nagpapa bf. Kpg napapabf ako at naiyak ang baby tpos bibitaw tpos pipilitin ko pa dn, umiimit buong katawan ko na parang sasabog ang ulo ko. Gusto ko magdabog pero di ko ginagawa kase hnd nmn kasalanan ng baby na nahihirapan ako. Hnd ko maexplain exactly pero sobrang lungkot bukod sa pagod na naramdaman ko tpos syempre sasabihin lng ng iba go lng magpadede ka lng para sa baby. Nung 1st month nagawa ko pa mag mix feeding pero nung 2nd month wala na tlg. Nakakaguilty oo kase ngayun as in kht itry ko ayaw na nya mag latch kase parang di na nya kilala ang boobs ko, kase nga sa bottle na sya dumedede. Pero para sakin mas naging mas kalmado ako para mas makapag isip ng malinaw at mas maalagaan ko ng mabuti si baby at ang iba ko pang anak. Baka dn siguro matanda na ako(39), kaya maikli na pasensya ko. Pero kht gaano ako nahihirapan at nalulungkot never ko naisip na ipaalaga sa iba si baby, sobrang love ko ang mga anak ko kaya kelangan maging okay din ako para maalagaan at magabayan ko sila. Hnd ako nag bf, pero gagawin ko lht ng pag aalaga at pag iingat para mapalaki ng mabuti si baby. Mahirap tlg minsan kalaban ang sarili. Hnd ko alam kungmay iba dn nanay na kapareho ko, or sasabihin nyo dn na maarte or tamad or selffish lng tlg ako. Wag kau mag alala naiintindihan ko kau kase nasabi ko na dn yan sa sarili ko. Malalampasan ko dn to someday. If nabasa mo to thank u kase parang nakinig ka na dn sakin, malaking bagay ang kht pano nailalabas yung nararamdaman. Sana masaya kayo, kase ako okay nmn ako minsan lng tlg nasumpong tong guilt trip ko. Basta okay si baby walang sakit at malakas mag milk happy dn ako. God bless po sa inyo.
mom with 3 kids