Just want to share my experience the first time I conceive po. It was 2014, 3 yrs din kami naghintay sa blessing na yun, everything went well and normal except nung malapit na manganak, i remember i was reading a magazine when something flowed between my legs, akala ko nga napaihi lang ako, we rushed to the clinic, nawawala yung daloy ng tubig, then sabi nung nurse di padaw yun panubigan, kasi pag panubigan daw, dirediretso ang labas, para daw gripo na inopen, pinauwi kami that day. Then the next day pumasok pa ko sa school, super likot ni baby, nung ika 2nd day nilagnat na ko, nag chill. Then pinapunta na kami ni doc sa hospital, doon pinababa ang lagnat ko kasi kung nilalagnat daw ako mas nilalagnat si baby. May monitoring of heart beat every hour. Then nung kukuhanan na ulit sya, super nahirapan na sila madetect ang hb ni baby. They immediately untrasound me, then doon nakita ko gano na kabagal ang hb nya pero very positive padin ako, until they declared an emergency CS. Di ko na alam gano ako katagal sa ER. Pero tandang tanda ko bago ako makatulog nakita ko pa si baby, they were reviving her. Pag mulat ko na ulit, nasa regular room na ko. Tas wala si baby sa tabi ko, naisip ko baka kasi dahil nilalagnat na naman ako kaya bawal sya sa tabi ko. Nakatulog ako tapos nagigising ako na may umiiyak na baby. Tinanong ko si hubby kung si baby ba yun, oo daw. Sabi ko wag na ako ang asikasuhin, si baby nalang. Laging ganun ang senaryo kada gigising ako. Then pagmulat ko ulit ng mata, my hubby asked me kung gising na talaga ako, kung ok na ba ako kausapin. Then doon ko nalaman na wala na pala ang baby namin. Gusto kong umatungal kaso pinigilan nila ako, baka daw bumuka ang tahi ko. Ibinurol si baby at ako sa kagustuhan na makita sya sa huling pagkakataon nagmakaawa na makauwi na, kinain lahat ng dapat kainin at inumin para mapautot at mapapupu. Ang hirap! Yung ilang buwan mong dinala sa sinapupunan mo, makikita mo nlang nasa kabaong na. ? then after ilang days pagka libing nya bumuka naman ang tahi ko. Na double kill na kumbaga. Super hirap at sakit.
Ngayon, after 5 years nabuntis ulit ako, nd we keep on praying na everything will go well this time.. keep in praying for me guys..
This is actually a good avenue for me, i am enjoying what i am reading, and free to ask questions. Thanks
Godbless :) ?
May Ann Quisquis Rojo