RANT...

Wanna share my rant. I'm 35weeks today pero di ko maintindihan kung bakit ngayon pa ko inistress ng tatay ko. Pinipilit nya kasing magpakasal na kami ng LIP ko. Napag usapan naman na namin about sa kasal na yan sinabi na namin ni LIP sa parents nya at sa Tatay ko na saka na yang kasal na yan dahil gusto muna namin magfocus sa gastusin para kay Baby. Yung Parents ni LIP naintindihan naman pero itong tatay ko pilit pinupush yung kasal naintindihan ko naman sya ayaw nya lang siguro na dumating yung time na baka takbuhan ako ni LIP pero kasi may plano na kaming dalawa at gusto naming mag stick lang sa plano na yun. Gusto muna naming pag ipunan yung kasal na yun at ayokong magpakasal na malaki ang tyan ko dagdag pa tong pandemic na to. Akala pa naman namin naintindihan kami ng tatay ko pero ito sya pabalik balik sya dito sa bahay namin ni LIP para lang bungangaan ako about sa kasal na yan. Nag start sya mag bunganga nung sinabi namin ni LIP na doon muna kami sa parents nya titira para may mag asikaso sa amin ni baby pagpanganak ko. FTM ako natural na wala pa akong alam sa ilang bagay kaya pumayag ako na doon na muna. Ayoko naman sa side naman Tatay ko dahil ayoko sa bago nyang kinakasama ngayon. Wala akong tiwala pagdating sa pag aalaga ng bata. Sarili nga yang anak napapabayaan nya ano pa kaya pagnandoon kami saka di maganda ugali ng kinakasama nya may time na okay sya but most of the time puro sya sumbat ayoko magkaroon ng MALAKING utang na loob sa babaeng yun. Naaawa na nga si LIP sa akin dahil halos gabi gabi ako umiiyak dahil sa tatay ko. Naguguluhan na ako di ko na alam gagawin ko lalo na yun part na sinabi ng Tatay ko na hinding hindi daw sya magpapakita pagnanganak na ko. Naiinis ako na pati ang bata dinadamay nya pa.

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi niyo po masisisi si daddy, kasi babae ka po nyang anak. And also lalaki din sya, natatakot lang sya para sayo. Maybe baka iniisip nya baka sayo ang balik ng mga kalokohang nagawa niya noon kaya pinupush ka nya na magpakasal.. wag ka na mastress mami, ako po ganyan din father ko at mga kapatid kong lalaki, kahit civil wed lang sana and para di na kayo mahirapan sa birthcert ni baby ☺️

Magbasa pa

Naiintindihan ko ang father mo mamsh. Kasi ganyan din ang mama ko nung preggy ako. Sabi namin saka nalang yung kasal pero pinush talaga ng mama ko kahit simple lang daw basta importante kasal kame at hindi na kame mahirapan sa mga papeles ni baby. At alam ko na hindi lang yun ang dahilan. Gusto lang masigurado ng mama ko na hindi ako matutulad sakanya na lumaki kame na walang papa ng kuya ko.

Magbasa pa

i understand ur father momsh.. alam mo naman lalo na pag traditional ang magulang, mas prefer nila na legal munang maging wife ka at legal na anak ang baby mo. takot lang siguro siya na baka naman anakan ka lang nyang LIP mo at bigla bigla na lang kau iwanan bago pa kayo makasal. ur father knows better lalo na syempre lalaki siya may nararamdaman yan na kutob kaya kayo pinagmamadali makasal.

Magbasa pa

Ganun talaga mga tatay lalo na pag babae ung anak nila. Same tayo situation po i'm 22 y/o lang po 7months preggy Pinupush ng magulang ko maikasal kame bago manganak. Konting salo salo okay na un di ka naman gagastos ng malaki atsaka civil wedding lang okay na po un. Just saying lang po :)

ify po, hindi naman ako inisstress ng papa ko pero lagi siyang nagpaparinig. pabiro din niya kong tinatanong kung sabay na daw ba sa binyag ni baby yung kasal namin ng partner ko. tinatawanan ko nalang pero I guess gusto nya talaga kasi nga ako yung babae.

baka gusto nya lng na bago lumabas apo nya eh,legal wife ka na at di mattawag illegitimate apo nya,,intindihin mo nlng din,nag cacare lng yn sau,😊 love ka ni father,expalin mo na rin lng,ang rason nyo kng bkit di pa kau pwd pakasal ngaun..Good luck,and God bless!

Maswerte ka po kasi gusto kayo ikasal ng tatay mo ako samin ayaw. Kaya heto ngayon hirap ako sa magiging last name ng anak ko dahil hindi kami kasal at dagdag pa pandemic na hindi siya makapunta sa hospital dahil walang mga nagbabyahe.

VIP Member

Siguro hindi naman nag eexpect si Father ng bonggang kasal. Gusto lang nya sigurong iensure na legal yung pagsasama nyo lalot may baby na kayo. Atska babae kasi ang anak nya kaya protective.

sv lnG ng tatay mO yOn,,,perO pag lbAs nG baby mO mwawaLa n riN unG gaLit nyA,,,wAg mO nLng isipn msyadO bwaL ka mstress mOmshie.,,,pray and keep safe,,,

siguro din po gusto nya Po Muna ikasal Po kayo Bago lumabas si baby Po ..parang lolo ko din po 5 months Na Po Tiyan ko Nung ikasal ako..