"My husband just told me na hindi na niya ako love. Nawindang ako, 2 anak namin at mahal ko siya."

Wanna ask you about this, moms. May husband ako, sinabe nya sa akin na he no longer loves me anymore. Meron syang ibang gusto na at gusto niya maging malaya, while my 2 toddlers na kami (2 and 3 yrs old) and now I’m currently pregnant with the 3rd one. What should I do? My gusto pa po ako sa asawa ko.πŸ˜”

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang hirap sa part natin na nagawa nating igive up ang pagkadalaga natin para sa kanila pero after ng lahat ng hirap, pagtitiis at sakit sasabihin na lang na di na tayo mahal. Ang hirap magbuntis at mag alaga ng bata sa totoo lang, isa palang baby namin pero shaky na ang rs namin. Pero mi hindi sa lahat ng oras mahal nyo ang isat isa dadating sa point na mawawalan talaga ng spark pero kung hahayaang mafall sa iba malaking pagkakamali na yun. Hindi sa lahat ng oras masaya ang relasyon pero hindi ibigsabihin non hahayaan nya ang sarili niya sa tukso. Pero wala andon na eh, let him face the consequences of his deeds, kung yun ang gusto niya i let go mo mi hindi pwedeng may partner ka nga pero stress lang ang hatid sayo, hindi naman natin sila pinili para lang ma stress tayo, de bale ng wala sila mahalaga peaceful tayo, sa panahon ngayon mas mahalaga na ang mental health natin, wag mong hayaang masira ka niya. Magpaka Strong ka Mi, para sa mga anak mo alam kong kaya mo huwag mong gagawin na magmakaawa pa sa love nya or para lang buo ang pamilya, darating din ang panahon na marerealize niya ang mali niya at kung anong sinisira niya dahil sarili lang iniisip niya. You need to be strong, deserve ng mga anak mo ng Mommy na Strong β˜ΊοΈπŸ™ Paganda ka mi, at focus sa sarili at mga anak mo huwag mo ng idagdag pa sa iisipin yang asawa mo dahil problema lang sya sayo.

Magbasa pa