39 Replies

VIP Member

Mag - open up ka sa kanya sis.. But make sure na nasa moods kayo pareho.. I know dapat common sense na yan ng lalaki pero this time yung solusyon sa pinagdadaanan mo ang isipin mo.. First, open up sa mga nararamdaman mo lalo na buntis ka bago matulog etc kasi baka d nya din alam madalas wala silang idea at napaka insensitive. Second, see his reaction if ever may mga changes after baka nauunawaan ka na nya if nothing baka nga mas iba priority nya. Third, isipin mo si baby no matter what happened kayo ni baby ang importante dito. Mahirap man situation mo alam ko kaya mo yan. Bukod sa asawa mo try to open up with your mom pero wag muna yung about sa hubby mo yung nararamdaman mo lang if ever maalagaan ka like pag bibisita makikita ng asawa mo kung papaano baka magka idea na siya. If magkasama kayo mag play ka ng video about sa situation mo para makita niya wag mo lang ipahalata na para sa kanya yung video.. Like type ka bakit nahihirapan ka etc etc.

I feel you, sis! Ganyan rin ang ama ng anak ko mas mahal pa kotse nya. Mas ginagastusan nya pa yon kesa sakin na never nagbigay ng suporta kahit sa bata na lang sana. Ang kapal talaga ng mukha! Never ako nasamahan sa mga check-ups ko. Kapag may nararamdaman ako balewala lang sakanya di man lang mag-effort alagaan ako o kahit man lang kausapin ako. From the start na nalaman kong buntis ako puro sama na ng loob binigay sakin. Ngayon wala ng paramdaman dahil ang lagi nya sinasabi nahihirapan na daw sya. Sobrang gago dba? Ako di man lang iniisip na iniwan nya sakin lahat ng responsibilidad!

VIP Member

Open communication momsh. Madalas ko din awayin mister ko dahil feeling ko nagkukulang ng atensyon sakin. Mahilig kasi mag games. Tas inaaway ko sya pag me nag add or nagchat sa kanya na babae hahaha. Pero nakikita ko naman effort nya pano nya iniiwasan yun para di kami mag away. Paliwanag mo sa kanya ayaw at gusto mo kung kaya nya iwasan o I adjust para sa relasyon nyo gagawin naman nya yun.

I feel you po ma'am. Tong asawa ko naman po inuuna nya yong iba bago ako. Kahit family gathering inuuna patin nya ang pagiging chairman nya and worse thing here is may malalandi pa syang kasamahan nya. May mga conversation silang below the belt na. Nastress talaga ako. 4mos pregnant palang ako. Sana may messenger din dito para makapagchikahan tayo ma'am.

VIP Member

Same here sis kahit mag labas ako ng sama ng loob regarding sa gnyan, una okey tapos sa katagalan wala nanaman. Kaya ako sinasanay ko sarili ko, at ineenjoy nalang kaka nood ng funny videos at focus nalang sa masaya kasama ng pamilya at friends ko kesa ma stress ako sa partner ko. At pag dating ng araw maisusumbat ko sknya lahat ng to

😂😂😂 ntawa ako s huling linya mo sizzzt

Hayaan mo na siya momshie baka stressed lang din siya. Nakausap mo na ba siya? Malambing ba siya dati sa'yo? Kasi if bigls nalang nagbago e baka may something. Pagusapan niyo muna pag di talaga sa kotse mo patulugin or bakasyon ka muna sa family mo. Need mo pa naman ng care and attention ngayon esp si baby.

Haaays kahit siguro ako sasama loob ko. Ang asawa ko naman kahit panay linis ng motor at fb may time yon na tatawagin ako pauupuin ako sa lap nia tapos yayakapin ako o kaya pahihigain ako kung nakahiga sya tapos yayakap. Kausapin mo sya, sabihin mo ung sama ng loob mo.

Magopen ka po sa kanya nga nararamdaman mo. Dapat mas intindihin ka nya kase mahirap talaga magbuntis at emosyonal. Kapag wala pa den syang pake sayo, ay uwi kana muna sa magulang mo po siguro. Mahirap un asawa na di supportive. Ang hirap hirap magbuntis.

Hala matagal na po pala kayo. Kapag mahal mo un tao d dapat ganan pakikitungo nya sayo. Sya po kaya tanungin mo kung may problema ba, at sya yung pagopen-in mo sayo. Kase di normal un pakikitungo nya sayo. Kapag mahal kase d dapat ganan. At dapat mas maalaga sya sayo kase buntis ka. Hindi ba sya excited na magkakababy na ulet kayo. Kapag wala pa den talaga, stay ka po muna sa magulang mo siguro kahit katabi lang nan bahay. Mas mabuti may makadaramay ka. Baka pede mapangaralan den sya nan parents mo. Or kun ako nasa sitwasyon mo baka maghinala ako sa kanya kun nagiba sya at nagbago.

VIP Member

Sabihin mo sa asawa mo, dapat yung kotse mo nalang binuntis mo kasi mas inaalagaan mo pa kesa sa akin. Btw sis, uwi ka nalang sainyo kasi mas maaalagaan kapa ng family mo. Kesa stressin mo sarili dyan sa puder ng asawa mo. Sabihin mo palamig ka muna.

umpisa pa lang yan mamsh. pano kapag nanganak ka pa. wala ka katulong mag alaga ng anak. kaya wag ka na papabuntis sa susunod kapag hindi nagbago yan. magsinula ka na din mag ipon para sa inyo ng anak mo.

13 yrs na po kmi at 2 na po anak namin. Habang tumatagal nagbabago na sya

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles