Breastfeeding Story

Wala talaga akong balak magpa breastfeed s second born ko dahil formula fed lang panganay ko. 1 week ko lng kasi sya napadede nun tas nag stop nko. Like what I have said, wala talaga akong balak. So, bago pa ko manganak nagprepare nako ng mga feeding bottle ni baby ko. Nung pagkalabas nya di sya pinalatch skn s ospital. Nakita ko lang sya sandali then dinala na sya sa nursery. The second night s ospital, dinala na s room si baby. Pinapalatch s knya ung dede ko but unfortunately, ayaw nya at walang lumalabas pa na gatas. So, bottle sya nagdedede during those times at kahit gusto ko palatch s knya dede ko di ko kaya tumayo tayo pa dahil CS ako.. Knowing the pain and discomfort pag CS ka. Third day in the hospital, pinalabas na kame. Hanggang pagdating s bahay bottle p din sya dumedede.. But that night na fifeel ko n tumitigas na dede ko. Kinabukasan, pinamassage ni mother ko ung dede ko ng maligamgam n tubig sa nanghihilot. And good thing, may lumabas ng milk. Tinry palatch kay baby, tinulungan pa ako nila mama dahil iyak ng iyak si baby.. Di makapa nipple ko and hindi ko pa sya alam iposisyon. Pero di namin sinukuan, after a while ayun nagdede na din si baby. Ang sarap lang s feeling habang nilalatch ni baby, may lumalabas na milk sayo, nakakaginhawa dahil nababawasan din ung paninigas ng dede mo. Nag-enjoy ako magpadede sa kanya s unang araw na yun. Pero umpisa palang pala yun. Hanggang s naramdaman ko n pagka grogy, nakakatuyot, nakakapagod din pala. In my case, kailangan ko pa umupo pag magpapadede and I'm still in pain dahil s pagkaka CS ko then pinatry sakin na magpadede kahit nkahiga para atleast nkakapahinga ako dahil kahit hatinggabi umuupo p ko para magpadede kaya puyat din, pero struggle is real.. ilang beses muna ko nagtry bago ko nTutunan, nag google pa ko pano magpadede ng nakahiga.. Then anjan pa ung di ka pa nakakaligo kaya napaka uncomfortable. Isa pang struggle yung panay mainit n tubig pinapainom skin kesyo para daw maluto gatas ko at lumabas pa. Di ko nafifeel ung pag inom ko dahil parang lagi akong uhaw pag mainit iniinom ko. Nagpost pa nga ko dito s TAP using my old account kung di ba talaga pwede uminom malamig na tubig pag bago ka palang nagpapadede and buti na lang may mga sumagot. Ok lang naman daw uminom ng malamig 😁 kaya ginawa ko patago akong umiinom ng malamig dahil siguradong magagalit sakin si mama pag nahuli nya ko.. πŸ˜†Anjan pa yung kahit hating gabi obligado kang kumain kahit tinapay lNg dahil nakakagutom talaga. Dumating pa nga sa point na parang gusto ko na itigil pagpapadede dahil parang feeling ko sumisikip dibdib ko pag puno ng gatas dede ko. Tas panay pa pakain ng tahong sakin, painom ng mainit na tubig at pinakuluang malunggay atsaka parang feeling ko ang baho ko dahil lagi akong basa dahil s tumutulong gatas. Dumating pa sa point na nangasugat nipples ko. Grabe yung sakit.. Yung tipong tuwing dede si baby gusto mo sumigaw sa sakit, nakakaiyak talaga kaya ginagawa ko yung unan nilalamutak ko pag nararamdaman ko yun. Parang gusto ko na sumuko.. Pero sabi ni mama wag ko daw itigil pagpapadede dahil laway din ni baby makakapagpagaling ng sugat s nipples ko.. Kaya ayun, tinuloy ko pa din at dahil n dn s feeling na iba ung pakiramdam na galing sayo ung nadedede ng anak mo. After few days nawala nga ung sugat at di na ganun kasakit pag dedede sya. Nung una parang nabibitin si baby s gatas ko kaya nag mixed feed kame hanggang s nararamdaman ko n palaging puno n dede ko.. Sabi nga nila pa unli latch lang kay baby para lumabas talaga ung gatas and in my case, effective sya.. πŸ‘Œ Ngayon, 2 months na baby ko and dumedede pa rin sakin pero once in a while pinapagformula pa rin namin sya para pag nagwork nako. Pero kung di lang talaga sya gutom na gutom ayaw nya magdede s bote.. 😁 Ayaw ko naman din magpump dahil feeling ko baka umurong gatas ko or di rin magsapat yung mapump ko na gatas habang wala ko.. Ang sarap lang s feeling na healthy baby ko at nag gegain talaga sya ng weight dahil galing sakin dinedede nya.. Imagine, from 3 kls nung pinanganak sya, ngayon lagpas na 5kls..😁 Nakakalungkot lang na sinukuan ko yung panganay ko sa pagpapadede noon. Sinisisi ko tuloy sarili ko kung bakit payat sya ngayon.. πŸ˜” Pero salamat naman sa Diyos na healthy sya kahit ganon, di sya sakitin. Ikaw? Anong kwentong padede mom mo? πŸ€—

Breastfeeding Story
4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel u momshie,ung ang sakit ng nipple pag dumede c baby. Pati ung feeling na parang ang baho at malansa dahil sa tulo ng milk kya palit ako ng palit ng damit. Daming struggles po tlga mga breastfeed mom lalo satin na CS pro carry lng for our babies.😊

5y ago

True mommy. Napaka fulfilling po kase na mapadede natin si baby