Paano po ba mawala yung morning sickness... ang hirap.. sobra.. wala ko maintake kahit ano,, 😭😭😭
Wala ko makain na kahit ano kahit tubig.. sobrang payat ko na.
Nako mamsh. Marami tayong ganyan. Ako nga nagkaka prenatal depression na kakasuka. Sobrang hirap na kahit tubig nlng isusuka mo pa. I know the feeling. Simula 5 weeks gang ngayong 13 weeks nko nasuka parin ako. Pero medyo naglessen na ngayon, mga 3x a day nlng ako kung sumuka. Pero grabe suka ko naman kahit 3x nlng. Puro acid at bula nlng sinusuka ko, pinipilit parin isuka. Dati 8x-10x a day ako kung sumuka. Ngayon medyo medyo nakakakain nko. Ang pinaka effective na technique sakin, wag ka ppalipas ng 1-2hrs na walang kain. Kasi pag nalipasan ka, sgurado suka ka nyn kahit akong kainin mo. Kaya pagka gsing mo, kain ka na agad, konti lng. As in subo ka lng. Tas inom ka ng vitamins. Tapos after 1 hr kain ka na uli kahit mga 2 subo lng. Bsta every other hour kumain ka kahit konti. Para hindi mabigla chan mo. Andami pala naten ganito. Nakaka depress sa totoo lng. Mapapasabi ka talaga na last na tong baby na to. Maiiyak ka na mapapatanong, bakit ganito. Pero ganon talaga, may tao na nasa sinapupunan naten, kaya naninibago ang katawan naten. Isipin mo nlng, lahat ng hirap na ito ay para sa baby na masisilayan mo rin balang araw :) aja mommy! Fighting! Kaya naten to :)
Magbasa paGanyan din ako sa 1st trimester ko sis. Maya't maya sumusuka. Walang appetite at lugaw na nga lang sinusuka pa pero lagi akong sinasabihan ng ibang mga momshie na need kong isipin si baby. Maging malakas dahil kapag nanghihina ka masesense ng baby mo yan at sa stage na yan critical pa sya sa loob. Piliting kumain kahit konti, isa o dalwang kutsara. Kahit wala kang kinakain na kanin kumain ka ng prutas at dalwang lagok ng tubig every after 20 mins para mahugasan ang sikmura. ika nga sabi ng aking OB, mind over body, dapat mas malakas ang iyong pagiisip na para sa baby mo lahat ng gagawin mo kasi daw normal lang tlga na daw na mararanasan ng isang buntis lalo na sa 1st tri yung morning sickness. Akala ko rin dati hindi ko kaya eh, muntik na akong sumuko to the point na gusto ko nlng ipalaglag yung baby sa sobrang hindi ko na maintindihan yung katawan ko at nagwowork pa ako, kapagod sobra pero thank God nasa 2nd tri na ako. Diba? haha akalain mo. So, ikaw sizzz kaya mo yan tiwala lang ang pray also🥰
Magbasa pahindi lng ikaw ang dumaan dyan sis. at wlang gamot pra mawala yan ng basta. meron lng gamot pra mdyo mabawasan pgsusuka mo pero d totally mwwala. aantayin mo lng tlgang matapos stage ng paglilihi mo which usually takes up to 3mos. in my case, hnd dn tlga ako nkakaen ng ayos noon. may days p nga na wla tlgang kain, kht tubig isinusuka ko. pero d ko inalis ang maternal milk ko bsta may mkuha lng nutrients si baby. lugaw, sinabawang miswa, sinabawang mga sarisaring gulay, gatorade, anmun, yan mga nkatulong sken noon kht onte lng nkakaen ko. isinusuka ko rn after ilang oras pero at least nkuha n ni baby ung sustansya. pero kung hnd yan mging effective sau, sbhin mo n s ob mo. my iaadvise sya sau for sure na makakatulong. kapit lng, mabilis lng lumipas ang mga araw. ngaun malakas n ko kumaen at mayat maya ang gutom. nagbbawi katawan ko pra kay baby.
Magbasa pagrabeee akala ko ako lang gantooo simula 1mons to 3 mons ko na walang gana kumain kasi sinusuka ko lang din mamaya halos manghina nako pagtapos sumuka yung tipong wala kana talagang maisukaa kaya hinang hina ka pag tapos sumuka muntikan pa nga ako ma dehydrates kaya niresetahan ako ng ob ko ng ORS meaning Oral Rehydration Salt kaya medyo ok nako , actually kakatapos ko lang sa stage na yaann kelan lang ngyon bawing bawi naman halos dinner ko 3 x a day ako kumakain kasi nagigising ako ng madaling araw kumukulo tummy ko hehehe sana tuloy tuloy na ganahan ako kumaainn goodluck to us mommuess laban lang malalagpasan din natin lahat then worth it pag nakita na natin yung baby natin paglabass!!
Magbasa pa'Yan din po worry ko. Actually, nasa point na ko, kanina lang ah, gusto ko nang magpadextrose kasi hindi ko na maintindihan nangyayari, feeling ko dehydrated na ko kasi hindi rin ako makakain and inom maayos. Pakiramdam ko, kulang na sustansya ko, at sustansya para kay baby. Pero gaya ng ibang comments ng momshies, pilitin natin kumain every hour or every 2hrs kahit kaunti. 'Sakin po, nakatulong nang malaki ang skyflakes at apples. Malalagpasan natin 'toh. Salamat at may ganitong community. First time ko din pong preggy, most often, nakakadiscourage and nagiging impatient na ko. hahaha. Fighting lang.
Magbasa pamomsh ganyan din po ako salamat sa Dios ngayon unti unti na bunabalik sa dati. try mo po bumili ng tubig yung nature spring po na red ph9 po siya malaking naitulong po sakin nun kasi malakas sa acid kapag buntis po e nung uminom ako niyan nakakain ako maayos. 10liters po nasa 110 na siya kaso 7 eleven lang mabibili ata. may maliit 30pesos trymo polaking tulong talaga sakin niyan. kung di mo pa kaya kumain pabili ka sky flakes po unti untiin mo kasi talaga mahirap pero tiis lang po momsh dadaanan mo lang din yan 😊
Magbasa padami pala natin dito...ako nga naiiyak na habang sumusuka...ung kahit laway na lng sakit sa sikmura pag ala knang masuka....pero sa case ko nakakatulong ung ice...kc nababawasan ung suka ko pero ung first tym ko uminom ng unmom na plain flavor..grave Ang suka ko...pero ok na sakin kc pinalitan ko na flavor...kunting tiis na lng mga momshie..kaya natin to BTW 3 mos. preggy din ako first time mom din...keep fighting!❤️
Magbasa panung 2-5 months po na buntis ako ganyan din po ako halos buong araw walang kain kasi maski tubig isinusuka ko humihigop nalang ako ng konting sabay gaya ng sabaw ng sinigang. mataba ako pero yung stage talaga na yun nagpapayat sakin ng sobra hanggang ngayon 8 months nako manganganak na next months di parin nabalik katawan ko. normal lang po yan tiis lang po talaga na matapos yung paglilihi mo
Magbasa paHi Mommy ! Hindi pwede wala kang kainin pilitin mo kumain ,tulungan mo sarili mo Mommy kasi ikaw lang inaasahan ng baby mo .Wag ka matakot sumuka may teknik diyan paunti unti lang kain mo tapos kain ka ulit mmaya ,wag mo biglain kumain ,may bibigay din si ob mo mga prenatal vitamins para gumana ka kumain .Kausapin mo si OB about diyan para ma advice ka niya.
Magbasa paHi. Take some ice chips and crackers sa morning. Kung Hindi mo matolerate kumain ng regular meal, just take a few bites. Importante may intake ka. Ako hindi ako naduwal or nasuka nung 1st trimester ko. Medyo nangangasim lang ako kaya lagi ako naghahanap ng maasim na fruits/foods. Kaya siguro di ako naduwal noon. Iba-iba kasi tayo ng response sa pregnancy.
Magbasa pa