Paano po ba mawala yung morning sickness... ang hirap.. sobra.. wala ko maintake kahit ano,, 😭😭😭
Wala ko makain na kahit ano kahit tubig.. sobrang payat ko na.
naku mommy! relate na relate. first 3 months ko when i was pregnant grabe wala ako makain. suka lang ako nang suka. my maamoy lang ako na kahit anu suka na ako nang suka. dumarating sa point na masakit na tyan and dibdib ko kakasuka. as in payat na payat ako nun. mag 4 months na cguro nun nung medyo nakakain na ako nang diko sinusuka.
Magbasa paKatatapos ko lang din sa 1st trimester. Nakatulong sakin yung mga biscuit o pandesal every 2 hrs kumakain ako. Wag ka papaabot ng gutom at magpapakabusog nakakasuka din yun. Sabi ng OB ko okay lang kahit konti lang makain basta wag nalang mag sskip sa mga resetang gamot. After naman ng paglilihi stage tiyak makakabawi na ng kain.
Magbasa paganyan din po ako nung 1st tri. ko kahit anung kainin ko ang pait lahat ng lasa pero kahit paano sinusubukan ko parin kumain pa unti-unti kahit na pag tapus e isusuka ko parin naman lahat. tiis.tiis nga lang..kahit gatas ayaw..pero buti na lang pag monggo na may langka at gata ung nakakain ko na hindi ko na isusuka.
Magbasa paHala ka nakakalungkot man Po pero Wala Po talaga Tayo magagawa ganyan po talaga Ako nga Po masa first trimester ko ngayon kahit Anong pagkain nasusuka Ako kaya pilit ko na nga lang Po kumakain Lalo na Yung mga healthy food eh kahit paano Po ay matulungan ko man lang baby ko na mag grow Ng maayos.
ganyan din po ako sa second baby ko. makakatulong po ang sky flakes, kain ka lang nung crackers. and pilitin nyo po uninom ng tubig, mahirap po madehydrate. dont forget din ung mga vitamins. lilipas din po yan, after ng first trimester makakain ka na po uli ng maayos
natural lang naman morning sickeness i lose 4 kilos from my 2-4months and then later on mag 5 months nawawala na better ask your OB for vitamins and eat fruits and veges kahit isusuka mo. Sabaw at lugaw mostly yung ok pag may morning sickness, magiging ok ka rin.
ganyan din 1 trimester ko di ako halos makakain kaya pumayat ako pero pag dating ng 2nd trimester ko medyo nakakabwi na din ng kain try to eat fruits and biscuit and wag ka din masyadong magpakabusog need mo din uminom ng tubig para dika ma dehydrate .
Try niyo po Ginger tea. Nakaka relieve po ng pakiramdam yun. then Sa akin po nawawala din pagkahilo ko kapag nakakaamoy ako ng mga citrus fruit like orange, dalanghita. Kahit balat lang inaaamoy ko, nakakabawas ng morning sickness.
katatapos ko lang sa stage na yan. sobrang hirap talaga. pero sa 2nd trimester mejo nagbago na panlasa ko. although nagsusuka ako pag d ko gusto ang ibang nakakain ko hindi na sya ganun kalala nung first trimester
ganyan ako nung first trimester ko.. nawala naman sya nung nag 2nd trimester na.. taz ngayon 7 months na po tyan ko malapit lapit na makaraos.. at sana safe delivery at healthy ang baby ko.. 💜