‼️ W A R N I N G ‼️
SUPER DUPER LONG DETAILED POST ? Happy reading & I'm proud to share this wonderful journey to all of you ???
Sharing My Birth Story- First time Mom
PCOS Baby
Baby's Name: "Levin Zeki A. Valmocena"
37 wks & 1 day
EDD: May 24, 2020
LMP: Aug 18, 2019
DOD: May 4, 2020
OB-GYNE: Dra. Anniereza Ofngol, M.D.
Hospital: Pasig Doctors Medical Center
Type of delivery: Normal Spontaneous Delivery (NSD)
Weight: 2.8 kg
Length: 51 cm
April 27, 2020- nagstart ako magweekly check up na kay Doc buti taga-Pasig ako at may pa-libreng hatid si Mayor sa mga medical cases tulad nito, dito nya na din ako niresetahan ng evening primrose 2 capsule every 8 hrs or 6 capsules a day ni Doc. Nag-ie din sya this day at kahit di pa ko umiinom ng evening primrose medyo malambot na daw cervix ko. Nagbigay na din sya ng admitting paper ko para in case daw na di na umabot next check up diretso ospital na ko. Start na din ako uminom pineapple juice, kumain ng pinya, magdiet sa rice, maglakad ng 1 oras sa umaga 1 oras sa gabi sa roof top, magsquat ng 10x a day.
May 2, 2020- nagDIY pictorial pa kami sa rooftop para may remembrance kami ni baby habang nasa tummy ko sya. 36 days and 6 days na din si baby sa tummy.
May 3, 2020- kinausap ni hubby si baby na pwede na sya lumabas at wag na magpalaki sa loob.
May 4, 2020- nakaschedule kami for our weekly check up today around 3pm kasi kabuwanan ko na. Sa PDMC ako manganganak pero sa OB-GYNE Clinic Cainta (St. Joseph harap ng Sm East Ortigas) own clinic ng OB ko ako nagpapacheck up para iwas exposure sa virus sa ospital. Muntik pa magkaron ng problem sa maghahatid samin kasi May barangay coding na sa pasig at cainta proper na yung clinic ni doc buti napakiusapan namin ang barangay Manggahan na ihatid kami kaya lang ambulance lang ang available that time. Sa clinic Chineck BP ko, weight, temperature (lahat okay naman) tapos nag-IE na si doc nalaman nya 4cm active labor na pala ako pero sabi ko wala naman ako nararamdaman pero nagcocontract naman tyan ko paminsan-minsan pero no pain. Pinauwi nya muna kami para kumain ng kaunti, maligo at kumuha ng gamit tas pinadiretso na kami sa PDMC. Napakiusapan din namin yung driver ng ambulance na balikan kami around 5 or 6pm para ihatid sa ospital. Around 4:30pm umalis na kami kasi excited na din talaga ako mailabas si baby kahit wala naman ako sakit na nararamdaman.
Sa PDMC, dumaan kami sa tent sa labas ng ospital kasi may finil upan si hubby dun at chineck din temp namin then diretso admitting office pero pinasa kami sa ER kasi may initial procedure na sila na i-xray lahat ng manganganak dahil nga sa Virus, nung una hesitant kami magpunta ER kasi ang bilin ni Doc diretso admitting na wag na pumunta dun pero nagbago pala ung procedure nila dahil mga clean patient lang daw dinadala sa ER. Okay naman Xray and vital signs ko. Diretso labor room na ko mag-isa bawal na kasi si hubby dun at patient lang daw pwede. Nasa birth plan ko pa naman sana na nandun sya habang naglalabor ako, kaya magkachat na lang kami ni hubby Around 8:30pm nag-ie na si Doc at 6cm na ko kaya pinutok na nya panubigan ko para malaman kung naka-poop na si baby sa loob. Buti okay naman at clear pa meaning di pa sya nakaka-poop. Sabi ni doc mapi-feel ko na sakit kasi wala ng tubig ulo na ni baby tumatama sa pwerta ko pero still 3 out 10 ang pain. Nagturok na sedation si Doc twice para makatulog ako at makaramdam na ng sakit. Sabi ni Doc kapag nakaramdam ako na parang napu-poops na di mapigilan sabihin ko lang. 9 pm 8cm na dun na ko nakaramdam ng antok at masakit na paghilab ng tyan magkachat pa din kami ni hubby, around 10 pm dinala na ko sa delivery room naka-apat na ire lang tas nagsabi si doc na nag-cut sya dun ko na inire ng todo ayoko na magcut pa ulit. 11:53 pm baby's out paglabas ni Baby iyak agad kaya sabi ng Pedia nya di na sya nasuction kasi umiyak agad. Super thankful ako kasi healthy si baby at hindi nya ako pinahirapan mula labor hanggang delivery, kahit na nagpre-term labor ako nung 5 mos na sya sa tyan ko at 4 mos ako nakabedrest okay na okay lang kasi bawing bawi naman paglabas nya.
Labis ako nagpapasalamat kay God, sa pamilya ng husband ko kila nanay at mama, kay dadad (kevin), sa pamilya ko, sa mga kaibigan kong tunay, mga co-teachers ko at admin ng school sa pagsuporta sakin simula ng pagbubuntis hanggang ngayon na nanganak na ko. Salamat sa prayers and cheering para samin ni Baby Levin ?
Lots of love,
Mommy Liz ?
Happy Mother's day to all moms and expectant mom out there. Aside from teaching being a Mother is the Noblest job in the world. We deserved not only a day but a whole life celebration for our sacrifices ??
??♀️ WONDER MOMMA ??♀️
See photo for each caption ?
liz Valmocena