Wonderful Blessing

Very proud to welcome my Baby boy!!! EDD: Sept. 6, 2020 DOB: Aug. 25, 2020 (10:27pm) I delivered my baby kahit closed cervix pa! 😂 ⬇️Very long post ahead⬇️ ♡ Share ko lang po experience ko! Grabe lang yung feeling kasi I always pray na maging safe ang deliver ko kay baby and I did it! 🥰 ♡ Grabe yung tagal ng labor ko, ni hindi ko nga sure kung yun nga yun since nung pag i.e sakin ni doc nung 37 weeks ako ay closed cervix pa daw. Aug. 24 pa lang ng gabi, maya't maya na nasakit yung puson ko. Kinakaya ko pa yun kasi sabi nga ni doc, closed pa daw. Malayo pa ko. Nakatulog pa ko ng 11pm non. Kinabukasan ng mag 2am, nagising na ko. Maya't maya uli yung sakit ng puson ko, parang menstrual cramps lang kaya nakahiga pa din ako kahit every 5mins. yung pag sakit. Hanggang 5am din akong ganon. Pag bangon ko, tumitindi na yung sakit. 7am ng nagpunta ko sa ospital, expect ko kasi may progress na siguro yung pag buka ng cervix ko o pag baba man lang ni baby kasi walang tigil yung sakit. Pag check sakin sa ospital, laking lungkot ko kasi ganoon pa din. Mataas pa at closed cervix pa ko. Uwi na lang ako. Naglakad pa ko ng konti pag uwi sa bahay para bumaba na si baby. Pero tuloy pa din yung pag sakit. Habang natagal, talagang lumalala yung pagsakit. Hanggang nung pa hapon na, pati balakang ko o pwetan ko... na nanakit na din. Sabay sila ng puson ko nasakit, every 5 mins. Almost 1 min. ang tagal ng pag sakit. Di ko maintindihan gagawin ko, di ko pa maisip bumalik ulit ng ospital non kasi nga baka pauwiin lang uli ako. Pag tagal, di ko na makaya yung pain. Nanginginig na tuhod ko, di ko maiayos ng paghinga para mawala yung pain, talagang namimilipit na ko. Kahit sinubukan kong itulog to ng hapon, maya't maya naman akong ginigising pag dumadating yung sakit. Nagpa luop pa nga ko kasi sabi nila baka may iba pang dahilan sa nararamdaman ko 😂 6pm na non, naiiyak na ko sa sakit. Pinipilit akong patayuin pag nasakit, pero di ko na magawa. Di ko na talaga kinakaya. Hahaha. Jusko, pag na aalala ko na lang. Hanggang sa nag decide na kami na bumalik ulit ako sa ospital. Itinawag ko pa to kay dra. kung pwde na ba magpunta dahil puro labor pain na ko, di ko na makaya kaso wala pa kong discharge o ano. Sinabihan pa ko ni dra. na pumunta na kahit walang discharge o ano. Nagpalit pa ko, saktong pag cr ko para magpalit... Naglabasan yung dugo sakin, kaya naman naiyak ako sa tuwa. May progress na! Haha. Pag dating sa ospital, i.e uli. Ganoon pa din. Closed pa din, mataas pa din. Pero inadmit na ko. Diretso O.R. na. Pag punta ko, tinurukan na ko ng pain reliever. Aantukin daw ako at ayos lang na makatulog. Ang bilis ko din naman nakatulog! Haha. Pero nararamdaman ko pa din yung pain, pinipilit ko ng iire pag nasakit yung puson ko. Dumating na si dra., pero yung pagka drowsy ko, ang lala! Haha. Lasing na lasing ako kaya kahit anong kausap sakin ni doc, ay hindi ako makasagot ng ayos. Halos 7:30 na ata non nag start na kami, nakakalungkot pa non kasi di ko kasama si lip sa room. Labas lang sya. At parang may cover pa half body ko ng plastic cover. Maya't maya din ako naiiwan ng ob at ng ibang nurse lalo na pag wala pang progress o pag ire. 2x ata ko tinurukan ng pampahilab, may nag assist na kay dra. para itulak yung baby ko kaya naman napakasakit ng pag tuon palagi nung nurse sa tyan ko! 😭, napa poops na ko! Natanggal lahat ng kahihiyan ko sa loob ng operating room na yon! hahaha. Sabi naman tama lang pag ire ko pag napapa poops kaya wag daw ikahiya kaya naman di ko na din pinansin! Haha. Hiniwa na din ni dra., pempem ko kaya. Naka 3x pang sabi sakin si doc na ayan na daw ulo, kaya naka 3x try pa ko ng matinding ire. Hahaha. Hanggang sa noong lumabas na si baby kahit pinatigil na ko ni doc na umire ay napa ire pa ko ng last kasi sobrang sakit. At di ko na namalayan lahat ng mga sumunod na nangyari kasi tinurukan ulit ako ng pampatulog siguro. 10:27 pm lumabas si baby! Di ko na napansin lahat ng pain. Bagong sakit naman ang breastfeed! 😂 Nakakatuwa si baby kasi kala mo'y laging may kaagaw 😂 ♡ To all expecting mommies, good luck! Always pray and thank God for the blessing he gave to us 🥰🥰🥰 #babyfirst #1stimemom

Wonderful Blessing
65 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same situation tyo mommy! puro hilab yung tyan ko 6mins interval pero nag pa ie ako kanina pabukas palang dw cervix ko. grabe din ung pain na dama ko kada titigas ung tyan ko humihilab ksama balakang. 🙁 congrats syo mommy!

4y ago

Sana maging okay po kayo parehas ni baby! Goodluck po! 😁🥰

congrats mommy.. para akong kinabahan.. ❤️❤️❤️ ako kase no sign of labor, wla any comtraction na lumalabas.. nasakit lang puson ko kada ggalaw siya ung feeling na humahanap ng lalabasan..

4y ago

Sana po maging safe delivery niyo kay baby! 🥰

Grabe.. Napaka tapang nyo mommy ♥️ congrats nakayanan nyo po lahay iyon. Pero ako na nagbabasa natatakot at kinakabahan na. Im 37 weeks na dn. Huhu. But excited to see my little one

4y ago

Salamat po! Sana maging safe din po kayo parehas ni baby 🥰🥰🥰

ganyan nadin Po nararamdaman ko ngaun mga moms pero Sabi nman Po Ng midwife eh malayo padw po at close padin Po Yung cervix ko almost 3 days ko npong nararamdaman yun

4y ago

Goodluck po! Sana safe delivery niyo. 🥰

Congrats Momsh ❤ parang kinakabahan tuloy ako lalo na malayo si hubby. Hehe Hindi siya makakauwi pag manganganak nako. Pero para kay baby, kakayanin. 💪🏻

4y ago

Thank you po! 🥰 Always pray na lang po talaga, goodluck momsh!

wow what an experience mumsh,congrats po! nakakatuwa talaga pag may nagpopost ng birthing experiences nila dto,nakaalakas ng loob

Congrats po. Buti po safe kau ni baby. Akoy hindi parin po .Hope lumabas na si baby. excited na ako hehe

Super Mum

Worth it tlga lahat ng pain mommy pag nasilayan na natin c baby. congrats mommy! Happy breastfeeding 😍😍😍

Congrats mommy! Naalala ko tuloy labor ko 🤣 36 hrs 🤣🤣 napapangibit na lang ako pag naaalala ko 😅

4y ago

Parang wala din naman nangyari pag na ilabas na si baby! 😅🥰 Nakaka ginhawa nung lumabas na sya 🥰🥰🥰

VIP Member

congrats po mommy, basta para kay baby kakayanin natin kahit gano pa ksakit 😊 sulit nmn po