Birth Experience

#1stimemom #firstbaby #theasianparentph I just want to share my birthing experience. 37 weeks and 3 days nung nanganak ako sa baby girl ko Sept . 23 ,2020 -3:30pm . Monday that week nagpaconsult ako sa ob tinatanong niya ako kung may hilab na akong nararamdaman sabi ko meron doc pero parang sakit lang ng puson pag may regla tsaka madalang po . Same day dumating yung mother ko galing Bulacan since nakatira na ako sa Laguna para matulungan ako pag nanganak ako . Tuesday sumasakit puson ko same nung una parangay regla lang pero maya't maya na yung sakit kaya hinayaan ko lang. Around exactly 12 midnight Wednesday bumangon ako sa higaan kasi naiihi ako habang naglalakad papuntang cr ramdam ko na sobrang sakit na niya and then naisipan ko na orasan yung interval dun ko naisip na possible early labor stage na ako kasi yun ang signs na napanuod ko sa youtube. Sabi ng asawa ko dadalhin na daw nila ako sa ospital sabi ko wag muna kaya ko pa naman tiisin baka pauwin lang ako. So yun nga tiniis ko yung sakit pinapasok ko pa sa work yung asawa ko ,pero that time nakapag text na ako sa ob ko and nakapagprepare na ako papuntang ospital. 10am that day pumunta akong ospital for check up kay ob kasi nga may contractions na ako pag ie sa akin sabi ni doc 6 cm ka na tara sunod ka sa akin. Pag sunod ko kay doc dinala niya na ako ng er for confinement na pala ako . Sa er ako naglabor kasi mabilis daw progress ng cm ko baka daw pag sa room nanganak na pala ako ng walang nakakaalam. Then yun labor ako dun kasama mother ko as a support since wala pa asawa ko. Around 1:45 pm ramdam ko na sobrang sakit na pag ie sa akin 10cm na daw so diretso na ako sa delivery room . That time humihilab tyan ko pero biglang nawawala parang hinihintay ng baby ko na dumating papa niya bago siya lumabas 2pm kasi out ng asawa ko sa work then around 3:30 nasa ospital na siya due to travel time pa . Exactly 3:30 pm nung lumabas ang baby ko . Yun ang pinakamasayang araw sa buhay ko . Mga ginawa ko habang buntis. 35 to 37 weeks naglalakad ako pagkagising na pagkagising sa umaga. pagtapos maglakad pineapple juice in can habang nakasquat. squat pag may time . kegel exercise meron sa youtube pwede sundan . kausapin si baby lagi na pag gusto niya na lumabas sige labas lang siya. and additional wag matakot makipagsex sa asawa nakakatulong yun para bumukas ang cervix.

Birth Experience
37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sana Makaraos Na Din Ako Last Sept 29 1cm Nako Puro Paninigas Ng Tyan Ngalay Na Balakang Sakit Ng Binti Pati Singit Minsan Sakit Ng Pempem Ko Parang Tinutusok Yung Loob Tapos Ramdam Ko Na Sa Puson Ko Na Sya Gumagalaw 37w3d Nako Ngayon. Malapit Na Kaya??

4y ago

Sige Po Salamat

Momshie ilang kilo si baby mo? 🤗 30 weeks na ko ngayon pero 1.2kg pa lang si baby at kumakaen na rin ako ng marami para dumagdag timbang niya plano ko sana 37weeks manganak na rin ako hehe pero depende pa rin kay baby. 1st time mom din. 🙈

4y ago

2.95 kgs po siya nung nilabas , saktong 3kgs dapat siya kaso pag labas niga tumae siya agad sabi ng pedia

Minsan po kasi nakakatamad na makipag do kay hubby hirap po kasi sa pwesto. Suggest naman po ng komportableng pwesto? Mag40weeks napo ako bukas. Salamat

4y ago

Spooning, dog style

So mommy pwedeng pwede na pla uminom ng pineapple juice as early as now? 36 weeks preggy po ako and hopefully 37 weeks manganak na din ako.

4y ago

opo pwedeng pwede po

ask kolang po, inoorasan muba yung pag lakad mo sa morning? tapos everyday puba pag inom mong pineapple juice?

4y ago

hindi naman po inoorasan basta po di pa nasakit singit at balakang ko lakad lang po ng lakad, yes po everyday po pineapple.

congrats mamsh ❤️ 35 weeks ka pa mamsh nag inom kna ng pineapple juice ?

4y ago

pang palambot kasi siya ng cervix and pang linis ng bituka natin kaya maganda uminom nun

pwede na po maglakad lakad 35wks and 1 day pa lang po?

4y ago

dapat po yung cramps niyo every 3 to 5 mins and for 1hr and pasakit po ng pasakit para malaman na in active labor na kayo.

VIP Member

congrats sis...ee panu po kng walang asawa??😥

Congrats po gagawin ko Rin Yan mga tips sis🤗

agree to u momsh! Godbless to the both of u :)