Ano'ng unang reaksyon ng asawa mo kapag nakita niyang hawak mo ang phone niya?

684 responses

yung partner ko noon nahahawakan ko pa cp nya.. ngayon, feeling ko may tinatago sya. nag change password, laging malayo kapag nag cecelpon at kapag hinihiram ko ayaw nya. yung pakiramdam ko na parang wala na akong pakealam. kase pagod na ako mag isip🤦 Sa totoo lng yung ex nya 9 years sila at may anak sila. tinanggap ko yun.. kase hiwalay na sila. pero nung nagkaanak kami,, narealize ko mali pala ako.. kase pwede pa silang mabuo, pero pumasok na ako sa buhay nya.. kaya selos at awa yung nararamdaman ko ngayon na may halong konsensya😢 4 years na anak nila.. lagi nya kinukwento na magkakasundo sila ng baby namin, pag nagkabahay kami dapat may kwarto yung anak nya etc.. okay naman sakin pero may selos ako.. minsan ako pa nagtatanong kung nakapadala na ba sya ng sustento.. tanggap ko yun pero natatakot cguru ako na baka magkabalikan sila ng ex nyang 9 years.. one time.. may nabasa ako chat ng ex nya d naman mahalaga yung message.. pero yung fact na nag chachat sila? kase sabi nya wala na daw silang communication e. so.. yun yung pinagseselosan ko dati.. ngayon namanhid na ata ako. 3 months palang baby namin at dto ko nlng binibigay attention ko. sabi ko nga sa sarili ko. Okay lng. kaya ko kung babalik sya sa ex nya magiging masaya ako atleast mabubuo sila.. kesa naman sa ibng babae pa.
Magbasa padedma lang kasi wala nman tinatago. normal na lng maghiraman ng phone. hindi ako naniniwala na ang phone is for one's privacy sa mag asawa. hindi nman kailangan ng mag asawa ang privacy kasi dapat open sila sa isa't isa. unless pakikialaman mo pati yung sa work nya. like sagutin mo ang mga inquiries and tawag na work related. Hindi tama yun. if wala nman tinatago walang problema ang hawakan ang phone ng isa't isa.
Magbasa pakung may ka chat syang iba madali nalang sabihin sakanya na sya na maging asawa mo mag samana kayo,,, tapos sasabihin nya sakin "oh ito na block mo na ikaw naman selosa," natural may asawa kana,,, makuntinto ka,, sa kung anong meron ang asawa,,,
wala naman pakielam si mister kung hawak ko cp nya wla naman kasi syang tinatago, minsan nga pag nabubusit ako tinatago kopa cp nya e tapos ssbhn ko di ko nakita kinabukasan kona nililitaw 🤣
wala naman po sya reaction,kung saan saan nga lang po nya nilalagay cp nya. pag nandto po sa bahay,naka focus sya saamin ng anak ko. bonding ganun.
alam nya na pakielamera ko 😅 so kalma lang siya hinhayaan nya lang ako kasi pag pumalag sya ibig sabihin may something...lagot sya💪
Sanay kaming maghiraman ng CP. May games sa CP niya kaya hinihiram ko, kapag ganon palit kami 😅🤣 mag YT or Netflix siya sakin.
Walang reaction, minsan palit pa kami ng cp kasi mas nakakapag type sya sa cp ko. Tinatamad mga sya dalhin cp nya eh.
Wala lang. Wala nmn kse kaming lihiman. may fingerprint access kami parehas sa both phones Namin.
alam na nya tinitignan ko kung may laman gcash nya, tpos sasabihin nag sha-shopee ka nnmn no😅