Open letter para sa ama ng anak ko.

Una sa lahat. Salamat sa biyaya na binigay mo sa akin. Pero isa kang malaking pakyu. Hindi mo man lang ako hinantay na manganak muna bago ka humarot. Sana man lang inantay mo munang lumabas yung anak ko para yung sakit na dulot ng ginawa mo ako lang ang makakaranas, hindi na madamay pa yung anak ko. Alam ko, hindi maganda ang simula nating dalawa. Pareho tayong galing sa agaw. Pero pinilit kong baguhin ang sarili ko para sayo at sundin lahat ng gusto mo hoping na ganun ka din sa akin. Pinagkatiwalaan kita kahit ang dami kong nakitang mali bago mo pa man ako mabuntis. Nagbulag bulagan ako. Pinaglaban kita. Pinagtanggol kita. Nagbingibingihan ako sa mga sinabi ng mga tao sa paligid ko para sayo. Pero ganito. Eto nanaman tayo. Sorry ka nanaman. Sorry pero hanggang sa huli hindi maamin kung saan nagkamali. Sorry para matakpan lang ang problema, hindi masolusyunan. Sorry para okay na ule, more careful na lang sa susunod para di na mahuhuli. Home based ka na't lahat nakuha mo pa ding lumandi. Napakagaling mo talaga. Maawa ka naman sa mga anak mo sa mga una mong naging nobya, mga babae sila. Wag lang talaga sanang makatagpo ng tulad mo yung mga anak mong babae. At SANA LANG. Pinakahihiling ko lang. Sana lalaki 'tong anak natin. Ayokong anak ko ang karmahin sa mga katarantaduhan mo.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nakakalungkot isipin na may mga ganyan talagang klaseng lalaki ang di marunong makuntento sa isa lang. pray always sis. Kakayanin mo yan. Mas okay ng single kesa naman stressed.