36 Replies
Husband ko nasa barko. One month lang nya ko naalagaan nung nalaman namin na pregnant ako. Pagbalik nya nakapanganak na ko. Hanggang videocall na lang kami. Sa cellphone screen na lang nya nakikita yung paglaki ng tummy ko. Naiiyak na lang sya kasi di daw nya ko maalagaan. Di nya maibigay yung gusto kong kainin. Di nya ko maipaglaba, plantsa at maipagluto. Haha. Kahit nung nanliligaw pa lang sya ginagawa na nya yan lahat kaya namimiss nya. All around ang asawa ko may kusa di na kailangan utusan. 😂 Pag uwi na lang daw ng Pinas saka sya naman ang magpupuyat para kay baby. Feeling thankful ako kasi napakaswerte namin ni baby sa daddy nya. Lahat ginagawang pagtitiis para sa amin, sa future namin. Mahirap yung buntis ka walang madaingan at walang malambingan. Marami pang adjustments ang darating sa amin pero wala e kailangan magtiis ng paulit-ulit.
Kami din momshi my husband noong April umuwi kz b-day ko tapos bumalik sa US noong June 3 tapos kabuwanan ko nxt month at now kanina kararating niya lng ulit First baby ko Ito at ayaw ko na mangank ako na Wala siya sinabi ko talaga sa kanya na dito sa manila kanya kanyanang buhay kz parents Kos a province tapos mag kapatid ko busy sa kanilang buhay at work talagang sabi ko kong managank ako na Wala siya talagang mag isa ako kaya sumikap talaga siya na bumabalik kahit sobrang Mahal Ng pamasahe
Di rin namn kami magkasama ng partner ko mosmh kasi andun sya sa family nya kasi pinag take sya ulit ni mama nya ng 1yr course para sa work nya soon .. ako namn andito ako sa fam ko sguro sa isang linggo isa o dalawang beses lang kami kung magkita pag pupunta sya dito .. kahit ganun okay lang sakin di namn din ako mag isa dito dahil kasama ko family ko .. After nya mag school magkakasama narin namn kami lagi kaya tiis muna konte
Ganyan yung feeling ko araw araw pag pumapasok sya. Tapos uwi nya gabing gabi nya. Lagpas 12 hours ko sya di nakakasama..pagdating pagod na. Kain tulog tapos gising kain alis. Layo kasi trabaho, nakain ng byahe yung oras nya. Tapos yung isang oras na nasa bahay parang isang araw na rin. Ke tagal.
Ako sinusulit ko kasama si hubby ko pag na approved na yung VISA nya sa canada matagal tagal bago nya ko makuha at magkasama kami ulit 😢 kaya naiinis ako pag inuuna nya minsan yung iba kesa sakin dala nadn siguro ng hormonal changes pero sinusulit ko kasi talaga na kasama sya eh
Yung 10 hrs na wala sya dito (kasama na yung byahe), nalulungkot na ako kasi ako lang mag-isa maghapon. Pero maswerte pa talaga ako kasi yung iba nga taon pa bago sila magkasama ulit. Momsh, isipin mo para sa future nyo yan ng family nyo. Kung walang work, ngangey. Smile na 😊
ako nga po 2months preggy ako nun nung nagtrabaho sya sa ibang bansa. going 3months old na baby namin.uwi nia pa nxt year..magpasama ka po magulang o kapatid nio sa bahay niyo po para may kaalalay ka
Buti ka pa sis 5 days po lang di makikita hubby mo. Nagkita kame ng hubby ko November pa din noong May ulit at ngayong August sa panganganak ko ulit 😞😞☹☹ Tiis2x lang para sa future namin.
Sad, pero minsan ganun talaga momsh need nila maghanap buhay para sa atin. Blessed ka pa din kasi yung iba buwan minsan taon pa ang binibilang bago magkita uli... Stay positive lang momsh 😍
LDR dn po ako sis. Tamang tama lang kasi pguwi ni hubby after 8months gling brko manganganak dn ako sa march, sana mkaabot sya bgo ako manganak.. Para po sa future. Thnk happy thoughts. 😊
Baby O