Ubo at Sipon ng Baby ☺️
UBO AT SIPON! ???? From a pulmo-pedia: Ang frequent ubo, sipon, at pneumonia ay caused by: ? Climate change, nag-mutate na raw ang mga virus ngayon. ? Air pollution o sobrang alikabok na paligid ? Mayroong tao sa paligid ni baby na may ubo't sipon (virus carrier) ? Mayroong naninigarilyo sa paligid ni baby ? Hinahalikan si baby sa labi kaya madali siyang napapasahan ng virus ? Hindi naghuhugas ng kamay o hindi sanitized ang mga humahawak kay baby ANO ANG PWEDENG GAWIN? ?? Panatilihing malinis ang paligid ?? Ugaliing maghugas lagi ng kamay bago hawakan o pahawakan si baby ?? Siguraduhing walang naninigarilyo sa paligid ni baby. Kung naninigarilyo, siguraduhing naligo, nagpalit ng damit, at nag toothbrush bago lumapit kay baby. Delikado ang 3rd hand smoke. ?? Paliguan si LO umaga at gabi, especially pagkagaling sa labas. Maligamgam na tubig ang gamitin. ?? Magsuot ng mask kung may sipon at ubo ang mga nakapaligid kay baby ?? Ituloy ang breastfeeding. ??? ?? Wag magpapaabot sa labas hanggang gabi dahil sa gabi bumababa ang dumi sa hangin. ?? Mag-aircon sa gabi. Dahil bumababa ang dumi sa gabi, pwede itong pumasok sa bahay thru the windows. Naibubuga sa atin ang dumi kung nakatutok sa atin ang electric fan. Ang aircon, on the other hand, may filter at sinasala ang dumi. (goodluck sa bill ?) ?? Umiwas sa mataong lugar gaya ng mall. Kung pupunta sa mall, mas mabuti na sa opening time pumunta para malinis-linis pa at konti pa ang tao at less ang risk ma-expose sa dumi at viruses. Kung hindi pa rin nawawala ang ubo't sipon at umabot na ito ng isang linggo o mahigit pa, ipasuri na sa doktor dahil baka mauwi ito sa pulmonya. Mabuti na ang sigurado. SHARING IS CARING ❤️