Postpartum Depression is back...
TW // suicide I've experienced this before sa panganay ko. Twice. Kasi bumalik yun nung nagpandemic. Hindi naging madali para sakin. Hindi ako nagpapatingin non, but I knew that I have it. I have suicidal thoughts and cried often. With my second child, I started working, 1 month postpartum. Night shift. Nung una, madali pa. But as time goes on, napapansin ko sa sarili ko, grabe na yung pagiging mainitin ng ulo ko. Sa isip ko, ang sarap magwala. Ang hirap pala pagsabayin na gusto mong kasabay kumaen ang pamilya mo sa araw. Kaso nga pagod na pagod ako at gusto ko lang talaga magpahinga. May araw na hindi ako naiinis, pero mas lamang yung araw madalas akong naiinis. Hanggang dumating na sa point na, nawawalan na kong gana kumaen. Naduduwal. Sinisikmura. Minsan masakit ulo. Suicidal thoughts are back. There this one time, nagwala ako. Nasaktan ko rin sa partnern. Hindi ko na napigilan. I was so scared with myself. Kaya nagpatingin ako sa free mental consultation ng company namin. And I was diagnosed with Anxiety/Depression at na refer to see a psychiatrist. Sa ngayon, yung suicidal thoughts wala na. Pero andito parin yung mainitin ulo. May times may gana ako kumaen, minsan wala. Minsan sinisikmura parin. If you ask me, bakit di pa ko nagpapatingin sa psychiatrist? My mother wants me to, she's also giving me advices on how can I relax myself kasi nga she's very concern about me, she knows that it could kill me. I tried you know? I was already at PGH for my appointment. Kasama ko si partner. Kaso nawalan ako ng gana due to his lack of support and understanding. Gusto niya umuwi na kami sa tagal, na gawa gawa ko lang 'to. Bumalik sakin yung pang iinsulto ng mother niya when I told her may appointment ako sa PGH. She said, "bakit may tama kana haha". Ang ending, nagdesisyon akong umuwi nalang. I'm still fighting it. Still trying my best. Ginagawa lahat para malagpasan ko 'to. If it weren't for my mother's support, my children and God's guidance baka sumuko na ko. #postpartrumdepression