USAPANG SSS : Maternity Benefit

Tulungan ko lang kayo mabigyan ng linaw about SSS Maternity Benefit. Madami na kasi ako nababasang nagppost/nagttanong about dito, and kanya kanya na lang ng “perception” or sabi sabi kaya yung ibang momsh natin nalilito. 👀 Magbasa po, wag pong tamad! Hindi ako sasagot ng tanong na paulit ulit at nandito naman ang sagot sa post. 🤰🏼Mga nanay na tayo, wag naman panay asa sa ibang tao at sa fb. Tandaan na hindi lahat ng naririnig at nababasa ay 100% tama. Mas mabuti pa din na kayo mismo ang umayos ng government benefits niyo. 💻 Halos lahat po ng information ay available sa mismong website nila. Mapa common questions man yan, contributions, or forms pwede niyo po icheck online. Kung walang load/net, aba eh magload kayo, mag comp shop or pumunta kayo sa SSS derecho at asikasuhin ng maaga. Hindi yung magrereklamo kayo kapag hindi kayo nakaabot/nakahabol sa eligibility. ✅ Wag po ipagpabukas ang pagasikaso. As soon as malaman niyong buntis kayo, asikasuhin niyo na ang PhilHealth, SSS niyo. Magipon din para sa panganganak, wag puro asa sa gobyerno. Yes, masarap makakuha ng benepisyo, pero masakit din sa ulo mamoblema kapag nanganak ka. 1. Ano ba ang SSS Maternity Benefit? ⚠️ Ito ay daily cash allowance na ipinagkakaloob sa isang babaeng miyembro na hindi nakapagtrabaho dahil sa panganganak o miscarriage. 2. Paano maging eligible sa Maternity Benefit? ✅ Kailangan member ka ng SSS, kesyo employed ka, self employed etc. ✅ Kailangang nakapaghulog ng at least tatlong (3) buwang contribution sa loob ng 12 buwan bago ang semester ng panganganak o miscarriage. ⚠️ Eto na, dami nang nalito sa part na to. Eto mga paglilinaw: - Wala po sa dami ng contribution ang pagiging eligible sa programa na to. Kahit 20,30,40 buwan na hulog pa yan, kung di naman sakto sa buwan and hulog, wala din pong kwenta. - Ke employed ka or voluntary/self employed, iisa lang po ang computation ng maternity benefits. - Ang makukuha niyo pong amount sa maternity benefit ay depende sa hulog niyo kada buwan. TANDAAN na mas malaki ang hulog niyo, mas malaki makukuha niyo. Mas maliit na hulog, maliit din ang makukuha. Common questions : ❓❓Paano pag nagresign na ako? - Pwede niyo ituloy ang hulog. I suggest na kung magkano hulog niyo nung employed pa kayo, same ang ihulog nyo hanggang ma-complete ang 3/6 months. Pwede niyo taasan ang hulog niyo pero as much as possible wag babaan. ❓❓Paano pag wala po akong SSS. Yung asawa ko lang? - Paid paternity leave lang po ang pwede makuha niya. Again, ang Maternity Benefit po ay exclusive sa “babaeng” miyembro kesihodang kasal ka o hindi. 3. Ano ang buwan na dapat ko hulugan para maging eligible sa Maternity Benefit? ✅ Magbilang ng 12 months paatras bago ang semester ng inyong pagkaanak. ✔️Quarter - Meron 4 na quarter sa loob ng isang taong • Q1 - Jan, Feb, March • Q2 - Apr, May, June • Q3 - July, Aug, Sept • Q4 - Oct, Nov, Dec ✔️ Semester - Merong 2 semester sa loob ng isang taon (2 consecutive quarter) So, kung manganganak ka ng (2019) buwan ng: 📆 April, May, June 2019 - at least 3 months na hulog from Jan 2018 - Dec 2018 📆 July, Aug, Sept 2019 - at least 3 months na hulog from April 2018 - March 2019 📆 Oct, Nov, Dec 2019 - at least 3 months na hulog from July 2018 - June 2019 ▪️3 months na hulog = minimum amount ▪️6 months na hulog = maximum amount Common questions : ❓❓Paano pag di nakapag hulog sa mga buwan na required? - Tatanong pa ba yan, edi syempre di ka eligible meaning di ka makakakuha ng maternity benefits. Kahit pa hulugan mo yung mga susunod na buwan or sunod na buong taon. ❓❓Magkano po makukuha ko? - Pwede niyo ipa compute sa SSS Teller ang total amount na mkukuha niyo. 4. Paano mag file at ano ang mga kailangan? Employed: ✅ SSS Maternity Notification Form or yung tinatawag nilang MAT-1 (Pwede mo makuha itong form sa SSS mismo or pwede mo idownload online sa website ng SSS) ✅ Ultrasound report ng baby mo or any medical records na magpapatunay ng pagbbuntis mo, na may nakalagay ng EDD or buwan ng pagka-anak - Depende sa employer mo kung manghihingi ng additional na requirements - Sila din ang mag iinform sayo about sa status Unemployed, Self-employed or Voluntary: ✅ SSS Maternity Notification Form or yung tinatawag nilang MAT-1 (Pwede mo makuha itong form sa SSS mismo or pwede mo idownload online sa website ng SSS) ✅ Ultrasound report ng baby mo or any medical records na magpapatunay ng pagbbuntis mo, na may nakalagay ng EDD or buwan ng pagka-anak ✅ 2 valid ID’s (UMID, PhilHealth, Driver’s license, Postal, etc) ‼️Ibabalik sa inyo yung MAT-1 form na may stamp. Please lang itago niyo at kailangan niyo yan para maka pag file ng MAT-2 or yung Maternity Reimbursement. 5. MAT-2 Process and Requirements: Employed: ✅ Stamped MAT-1 form ✅ Si Employer po ang nagbbigay ng advance (Maternity Benefit) sa inyo on behalf of SSS. Magkakaiba po ng process bawat company. Much better kung sila ang ttanungin. Unemployed, Self-employed or Voluntary: ✅ Stamped MAT-1 Form ✅ Accomplished MAT-2 Form ✅ 2 valid ID’s (UMID, PhilHealth, Driver’s license, Postal, etc) ➕PLUS➕ 💳 Bank Account - Pag may atm na kayo pwede niyo gamitin ang savings account, mag deposit lang ng 100 pesos at i-keep ang deposit slip. Pag wala, may mga SSS branch na may landbank sa loob. Pwede kayo mag open ng account dun, I heard wala or mura lang ang maintaining balance compared to BPI, BDO, etc. ⚠️ Make sure na ang bank account at SSS niyo ay same name to avoid delays ng pag reimburse. 📃Normal delivery - certified true or authenticated copy of duly registered birth certificate. 📃Death/Stillborn - duly registered death or fetal death certificate. 📃Caesarean delivery - certified or authenticated copy of duly registered birth certificate and certified true copy of operating room record/surgical memorandum. 📃Miscarriage or abortion - obstetrical history stating the number of pregnancy certified by the attending physician and dilatation and curettage (D&C) report for incomplete abortion, pregnancy test before and after abortion with age of gestation and hystopath report for complete abortion. ‼️If nagresign kayo within 6 months bago kayo manganak: ✅ Certificate of separation/clearance from last employer showing the effective date of separation from employment ✅ Certificate of non cash advance - May iba kasi makakapal ang fez nakakuha na sa employer ng benefit, gusto pa makakuha ulit. Wag ganon besh. ✅ L-501 form or Signature specimen card. Take note na dapat same ang signature dito at sa cert of separation and non cash advance. ‼️ If nag close ang company within 6 months bago ka manganak: ✅ Certificate/Notice of company's closure/strike or certification from the Department of Labor and Employment that the employee or employer has a pending labor case. ⚠️ Depende po sa branch kung gaano katagal ang pag process nyan. Magkakaiba po bawat branch pero normally after 3 weeks or more. ⚠️ Ang MAT-2 po ay pwede iprocess hanggat sa 10 years old na si anak. Pero wag niyo naman paabutin, jusko. 😂 Claim na kagad!!! Sana makatulong ito sa inyo. Let me know, if may kulang dito. At sa iba po, please stop spreading “haka-haka” or incomplete/fake news. Nalilito kasi yung ibang mommies. God bless 💕😇 CTTO

14 Replies

AWOL ako sa company last December 2019. May hulog ako from July 2018 until December 2019. Pumunta ako sa SSS branch malapit dito samin to ask pano ako makuqualify for MatBen. Pinabayad ako ng 1month contribution (P360.00) para maswitch ako from Employed status to Voluntary. After paying, ininform ako na mag-register online sa SSS website. 1 week pa lang nakakalipas, nakapag-file ako ng MatBen notif through the app. Walang instruction na may fifillupan akong form or what. Okay na kaya yun?

Yung sinend sa email?

Paano po kaya yun, yung saken po kase Jan.sinabihan ako maghulog for the.months of oct2019-dec2019 . Hindi po ako.nakapaghulog agad kase dameng binabayaran sa school ng panganay ko, nung maghuhulog na ko biglang naglockdown and aftr GcQ di na daw pede PRN ko, kaso di ako makalabas ng bahay .. due na ko by July 19 CS delivery ako, makakapagfile pa ba ako ng matben? Salamat sa sasagot

pano po maibabalik ang MAT1 ng mga walang employer? or may employer pero nagdiretso na sa sss para mag pasa ng Mat1? ipapadala po ba? or magttx ang sss para ma pick up. and magttx po ba ang sss kung approved na yung Mat1? thanks po sa sasagot.

thanks po.

Pwedi po mag tanong? Kung heto po yung contribution ko magkano po kaya makukuha ko? Employed po ako hindi pa kasj ma process ng company magben ko dahil may mga kulang si company na requirements. August 2020 po yung due ko. Salamat po

Ty po mas naging malinaw na ngayon sakin pang MAT 2 na po ako. Di makapagfile ng COC sa birth ni baby dahil di pwedi makalabas ng bahay😪. Kailan ko pa kaya matatanggap ang benifit nato😶.

Pwede po ba na asawa na ang mg. Asikaso ng MAT-2? Hindi pa po kac ako mkalabas ng bahay gawa ng lockdown padin at wala din iba kacng mgbabantay sa baby namin.. Salamat po..

Kapag may binigay na ganito ibig sabihin ba advance ibibigay ng company? May acknowledgement of advance payment kasi na pinapapirmahan.

Hi paano po kaya pag hndi makapag open ng bank account kse isa lang po tlga valid id ko nhirapan po kse magasikaso kse lockdown pa po

Hi meron po akong bank account dati kaso sa work ko po yon pwede po kaya yon? ang hirap po kase mag asikaso ngyon ng id salamat po

paano po pag yung umid q po is dko pa napapalitan ... surname q pa un nung dalaga aq? pwede lang po ba un gamitin?

Hi mommies pano naman po kung sa philhealth pano po gagawin? FTM po thank you sa sasagot 😊

may form raw na ibibigay ang hospital/clinic at need mo ng copy ng mdr..ngtanong lng din ako sa kasama kong kapapanganak lng

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles