Maternity Benefits? Sa may mga katanungan? take time to read..
Repost❗ Tulungan ko lang kayo mabigyan ng linaw about SSS Maternity Benefit. Madami na kasi ako nababasang nagppost/nagttanong about dito, and kanya kanya na lang ng “perception” or sabi sabi kaya yung ibang momsh natin nalilito. ? Magbasa po, wag pong tamad! Hindi ako sasagot ng tanong na paulit ulit at nandito naman ang sagot sa post. ??Mga nanay na tayo, wag naman panay asa sa ibang tao at sa fb. Tandaan na hindi lahat ng naririnig at nababasa ay 100% tama. Mas mabuti pa din na kayo mismo ang umayos ng government benefits niyo. ? Halos lahat po ng information ay available sa mismong website nila. Mapa common questions man yan, contributions, or forms pwede niyo po icheck online. Kung walang load/net, aba eh magload kayo, mag comp shop or pumunta kayo sa SSS derecho at asikasuhin ng maaga. Hindi yung magrereklamo kayo kapag hindi kayo nakaabot/nakahabol sa eligibility. ✅ Wag po ipagpabukas ang pagasikaso. As soon as malaman niyong buntis kayo, asikasuhin niyo na ang PhilHealth, SSS niyo. Magipon din para sa panganganak, wag puro asa sa gobyerno. Yes, masarap makakuha ng benepisyo, pero masakit din sa ulo mamoblema kapag nanganak ka. 1. Ano ba ang SSS Maternity Benefit? ⚠️ Ito ay daily cash allowance na ipinagkakaloob sa isang babaeng miyembro na hindi nakapagtrabaho dahil sa panganganak o miscarriage. ⚠️ Ang “BENEPISYO” sa panganganak ay maaaring ipagkaloob sa kahit ilang bilang ng kumpletong panganganak o miscarriage. 2. Paano maging eligible sa Maternity Benefit? ✅ Kailangan member ka ng SSS, kesyo employed ka, self employed etc. ✅ Kailangang nakapaghulog ng at least tatlong (3) buwang contribution sa loob ng 12 buwan bago ang semester ng panganganak o miscarriage. ⚠️ Eto na, dami nang nalito sa part na to. Eto mga paglilinaw: - Wala po sa dami ng contribution ang pagiging eligible sa programa na to. Kahit 20,30,40 buwan na hulog pa yan, kung di naman sakto sa buwan and hulog, wala din pong kwenta. - Ke employed ka or voluntary/self employed, iisa lang po ang computation ng maternity benefits. - Ang makukuha niyo pong amount sa maternity benefit ay depende sa hulog niyo kada buwan. TANDAAN na mas malaki ang hulog niyo, mas malaki makukuha niyo. Mas maliit na hulog, maliit din ang makukuha. Common questions : ❓❓Paano pag nagresign na ako? - Pwede niyo ituloy ang hulog. I suggest na kung magkano hulog niyo nung employed pa kayo, same ang ihulog nyo hanggang ma-complete ang 3/6 months. Pwede niyo taasan ang hulog niyo pero as much as possible wag babaan. ❓❓Paano pag wala po akong SSS. Yung asawa ko lang? - Paid paternity leave lang po ang pwede makuha niya. Again, ang Maternity Benefit po ay exclusive sa “babaeng” miyembro kesihodang kasal ka o hindi. 3. Ano ang buwan na dapat ko hulugan para maging eligible sa Maternity Benefit? ✅ Magbilang ng 12 months paatras bago ang semester ng inyong pagkaanak. ✔️Quarter - Meron 4 na quarter sa loob ng isang taong • Q1 - Jan, Feb, March • Q2 - Apr, May, June • Q3 - July, Aug, Sept • Q4 - Oct, Nov, Dec ✔️ Semester - Merong 2 semester sa loob ng isang taon (2 consecutive quarter) So, kung manganganak ka ng (2019) buwan ng: ? April, May, June 2019 - at least 3 months na hulog from Jan 2018 - Dec 2018 ? July, Aug, Sept 2019 - at least 3 months na hulog from April 2018 - March 2019 ? Oct, Nov, Dec 2019 - at least 3 months na hulog from July 2018 - June 2019 ▪️3 months na hulog = minimum amount ▪️6 months na hulog = maximum amount Common questions : ❓❓Paano pag di nakapag hulog sa mga buwan na required? - Tatanong pa ba yan, edi syempre di ka eligible meaning di ka makakakuha ng maternity benefits. Kahit pa hulugan mo yung mga susunod na buwan or sunod na buong taon. ❓❓Magkano po makukuha ko? - Pwede niyo ipa compute sa SSS Teller ang total amount na mkukuha niyo. Pero pwede din kayo magrefer sa table na nasa picture (P.S. Yung table ay x60 days (normal) or x78 days (CS) pa lang. Wala pa yung updated na x105 days na expanded maternity). 4. Paano mag file at ano ang mga kailangan? Employed: ✅ SSS Maternity Notification Form or yung tinatawag nilang MAT-1 (Pwede mo makuha itong form sa SSS mismo or pwede mo idownload online sa website ng SSS) ✅ Ultrasound report ng baby mo or any medical records na magpapatunay ng pagbbuntis mo, na may nakalagay ng EDD or buwan ng pagka-anak - Depende sa employer mo kung manghihingi ng additional na requirements - Sila din ang mag iinform sayo about sa status Unemployed, Self-employed or Voluntary: ✅ SSS Maternity Notification Form or yung tinatawag nilang MAT-1 (Pwede mo makuha itong form sa SSS mismo or pwede mo idownload online sa website ng SSS) ✅ Ultrasound report ng baby mo or any medical records na magpapatunay ng pagbbuntis mo, na may nakalagay ng EDD or buwan ng pagka-anak ✅ 2 valid ID’s (UMID, PhilHealth, Driver’s license, Postal, etc)
Can't wait for my baby girl ??