USAPANG SSS BENEFITS

USAPANG SSS : Maternity Benefit Tulungan ko lang kayo mabigyan ng linaw about SSS Maternity Benefit. Madami na kasi ako nababasang nagppost/nagttanong about dito, and kanya kanya na lang ng “perception” or sabi sabi kaya yung ibang momsh natin nalilito. ? Magbasa po, wag pong tamad! Hindi ako sasagot ng tanong na paulit ulit at nandito naman ang sagot sa post. ??Mga nanay na tayo, wag naman panay asa sa ibang tao at sa fb. Tandaan na hindi lahat ng naririnig at nababasa ay 100% tama. Mas mabuti pa din na kayo mismo ang umayos ng government benefits niyo. ? Halos lahat po ng information ay available sa mismong website nila. Mapa common questions man yan, contributions, or forms pwede niyo po icheck online. Kung walang load/net, aba eh magload kayo, mag comp shop or pumunta kayo sa SSS derecho at asikasuhin ng maaga. Hindi yung magrereklamo kayo kapag hindi kayo nakaabot/nakahabol sa eligibility. ✅ Wag po ipagpabukas ang pagasikaso. As soon as malaman niyong buntis kayo, asikasuhin niyo na ang PhilHealth, SSS niyo. Magipon din para sa panganganak, wag puro asa sa gobyerno. Yes, masarap makakuha ng benepisyo, pero masakit din sa ulo mamoblema kapag nanganak ka. 1. Ano ba ang SSS Maternity Benefit? ⚠️ Ito ay daily cash allowance na ipinagkakaloob sa isang babaeng miyembro na hindi nakapagtrabaho dahil sa panganganak o miscarriage. ⚠️ Ang “BENEPISYO” sa panganganak ay maaaring ipagkaloob sa unang apat na kumpletong panganganak o miscarriage. ⚠️ Ang ika-limang kumpletong panganganak o miscarriage ay hindi na babayaran kahit ang miyembro ay hindi nakakuha ng benepisyo sa panganganak sa kanyang unang apat na panganganak. 2. Paano maging eligible sa Maternity Benefit? ✅ Kailangan member ka ng SSS, kesyo employed ka, self employed etc. ✅ Kailangang nakapaghulog ng at least tatlong (3) buwang contribution sa loob ng 12 buwan bago ang semester ng panganganak o miscarriage. ⚠️ Eto na, dami nang nalito sa part na to. Eto mga paglilinaw: - Wala po sa dami ng contribution ang pagiging eligible sa programa na to. Kahit 20,30,40 buwan na hulog pa yan, kung di naman sakto sa buwan and hulog, wala din pong kwenta. - Ke employed ka or voluntary/self employed, iisa lang po ang computation ng maternity benefits. - Ang makukuha niyo pong amount sa maternity benefit ay depende sa hulog niyo kada buwan. TANDAAN na mas malaki ang hulog niyo, mas malaki makukuha niyo. Mas maliit na hulog, maliit din ang makukuha. Common questions : ❓❓Paano pag nagresign na ako? - Pwede niyo ituloy ang hulog. I suggest na kung magkano hulog niyo nung employed pa kayo, same ang ihulog nyo hanggang ma-complete ang 3/6 months. Pwede niyo taasan ang hulog niyo pero as much as possible wag babaan. ❓❓Paano pag wala po akong SSS. Yung asawa ko lang? - Paid paternity leave lang po ang pwede makuha niya. Again, ang Maternity Benefit po ay exclusive sa “babaeng” miyembro kesihodang kasal ka o hindi. 3. Ano ang buwan na dapat ko hulugan para maging eligible sa Maternity Benefit? ✅ Magbilang ng 12 months paatras bago ang semester ng inyong pagkaanak. ✔️Quarter - Meron 4 na quarter sa loob ng isang taong • Q1 - Jan, Feb, March • Q2 - Apr, May, June • Q3 - July, Aug, Sept • Q4 - Oct, Nov, Dec ✔️ Semester - Merong 2 semester sa loob ng isang taon (2 consecutive quarter) So, kung manganganak ka ng (2019) buwan ng: ? April, May, June 2019 - at least 3 months na hulog from Jan 2018 - Dec 2018 ? July, Aug, Sept 2019 - at least 3 months na hulog from April 2018 - March 2019 ? Oct, Nov, Dec 2019 - at least 3 months na hulog from July 2018 - June 2019 ▪️3 months na hulog = minimum amount ▪️6 months na hulog = maximum amount Common questions : ❓❓Paano pag di nakapag hulog sa mga buwan na required? - Tatanong pa ba yan, edi syempre di ka eligible meaning di ka makakakuha ng maternity benefits. Kahit pa hulugan mo yung mga susunod na buwan or sunod na buong taon. ❓❓Magkano po makukuha ko? - Pwede niyo ipa compute sa SSS Teller ang total amount na mkukuha niyo. Pero pwede din kayo magrefer sa table na nasa picture (P.S. Yung table ay x60 days (normal) or x78 days (CS) pa lang. Wala pa yung updated na x105 days na expanded maternity). 4. Paano mag file at ano ang mga kailangan? Employed: ✅ SSS Maternity Notification Form or yung tinatawag nilang MAT-1 (Pwede mo makuha itong form sa SSS mismo or pwede mo idownload online sa website ng SSS) ✅ Ultrasound report ng baby mo or any medical records na magpapatunay ng pagbbuntis mo, na may nakalagay ng EDD or buwan ng pagka-anak - Depende sa employer mo kung manghihingi ng additional na requirements - Sila din ang mag iinform sayo about sa status Unemployed, Self-employed or Voluntary: ✅ SSS Maternity Notification Form or yung tinatawag nilang MAT-1 (Pwede mo makuha itong form sa SSS mismo or pwede mo idownload online sa website ng SSS) ✅ Ultrasound report ng baby mo or any medical records na magpapatunay ng pagbbuntis mo, na may nakalagay ng EDD or buwan ng pagka-anak ✅ 2 valid ID’s (UMID, PhilHealth, Driver’s license, Postal, etc) ‼️Ibabalik sa inyo yung MAT-1 form na may stamp. Please lang itago niyo at kailangan niyo yan para maka pag file ng MAT-2 or yung Maternity Reimbursement. 5. MAT-2 Process and Requirements: Employed: ✅ Stamped MAT-1 form ✅ Si Employer po ang nagbbigay ng advance (Maternity Benefit) sa inyo on behalf of SSS. Magkakaiba po ng process bawat company. Much better kung sila ang ttanungin. Unemployed, Self-employed or Voluntary: ✅ Stamped MAT-1 Form ✅ Accomplished MAT-2 Form ✅ 2 valid ID’s (UMID, PhilHealth, Driver’s license, Postal, etc) ➕PLUS➕ ? Bank Account - Pag may atm na kayo pwede niyo gamitin ang savings account, mag deposit lang ng 100 pesos at i-keep ang deposit slip. Pag wala, may mga SSS branch na may landbank sa loob. Pwede kayo mag open ng account dun, I heard wala or mura lang ang maintaining balance compared to BPI, BDO, etc. ⚠️ Make sure na ang bank account at SSS niyo ay same name to avoid delays ng pag reimburse. ?Normal delivery - certified true or authenticated copy of duly registered birth certificate. ?Death/Stillborn - duly registered death or fetal death certificate. ?Caesarean delivery - certified or authenticated copy of duly registered birth certificate and certified true copy of operating room record/surgical memorandum. ?Miscarriage or abortion - obstetrical history stating the number of pregnancy certified by the attending physician and dilatation and curettage (D&C) report for incomplete abortion, pregnancy test before and after abortion with age of gestation and hystopath report for complete abortion. ‼️If nagresign kayo within 6 months bago kayo manganak: ✅ Certificate of separation/clearance from last employer showing the effective date of separation from employment ✅ Certificate of non cash advance - May iba kasi makakapal ang fez nakakuha na sa employer ng benefit, gusto pa makakuha ulit. Wag ganon besh. ✅ L-501 form or Signature specimen card. Take note na dapat same ang signature dito at sa cert of separation and non cash advance. ‼️ If nag close ang company within 6 months bago ka manganak: ✅ Certificate/Notice of company's closure/strike or certification from the Department of Labor and Employment that the employee or employer has a pending labor case. ⚠️ Depende po sa branch kung gaano katagal ang pag process nyan. Magkakaiba po bawat branch pero normally after 3 weeks or more. ⚠️ Ang MAT-2 po ay pwede iprocess hanggat sa 7 years old na si anak. Pero wag niyo naman paabutin, jusko. ? Claim na kagad!!! Sana makatulong ito sa inyo. Let me know, if may kulang dito. At sa iba po, please stop spreading “haka-haka” or incomplete/fake news. Nalilito kasi yung ibang mommies. God bless ??

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

bat kaya samin nung magpapasa sana ako ng mat1 with fill up na ay di tinanggap. sabi sa online ko nalang daw ipapasa. nagtanong din ako about jan sa dapat may stamped ng sss ung mat1, sabi print ko nalang daw ung sa online na nagsasabi na avail ko na ung sss benefit

Paano pag wala na sakin yung copy ng MAT1 ko, pinasa ko kasi sa employer nung time na may work pa ako (nag resigned na kasi ako) tapos di ko naisip ipa xerox, hindi ko na ba maki-claim yung benefits ko kasi wala yung MAT1 ko?

5y ago

Balik ka dun sa pinag pasahan mo ng Mat-1 mo

Pano po magfile ng mat 2 at list po ng mga kailangan requirements.. saka yung pag kuha po ng atm paano cla b magbibigay non

5y ago

Nasa taas na po ang requirements. Basahin niyo po ulit.☝🏻 Ang pagkuha ng atm, yung normal na process ng pag open ng bank account. Punta kayo sa banko, magdala ng 2 valid ids at pera din kung may maintaining balance ba na kailangang ilagay sa account na bubuksan niyo.

Correction lang dun sa common question part, wala ng difference yung cs and normal. Pareho ng 105 days.

VIP Member

Thank you mamsh sa napaka detailed na info. Very helpful and informative.

Agree! No to misleading! ☺️

5y ago

Pano if MONTH ng aug.2019 na hulugan ko ngaung oct.2019 lang(LATE) hindi nman ako nag lapse ng hulog na late nga lang..na mas na una ko Na hulugan ang sept. inakala ko kase na pasok pa un sa Kaltas ko sa sahod bago ako nag resign. Inshort po AUG.2019 din ako ka reresign lang kaya ng ayusin ko ang SS ko as a voluntary' mas una ko hinulugan ang MONTH ng sept.2019' the rest nman po ng hulog is UPDATE mula JUNE2017 hanggang ngaun na SEPT.2019' qualified padin po ba un or pwede ako ma denied dahil sa isang late na hulog? SALAMAT PO SANA MASAGOT 😊

FF

Thank you po dito big help 😊 May question lang po ako sa bank account, kahit anong bank account po ba pwede? kasi meron ako savings sa eastwest bank hindi ata sya accredited ni sss.

Ung friend ko, late sya nagbayad para sa buwan na hindi nabayaran. Pinagbayad sya ng sss and yet na deny daw po. Ganon ba talaga? Wala kang makukuha kahit binayaran mo ng late? Eh bat ganon ang abiso sakanya

5y ago

Meron akong palyado sa SSS nung September at ngayon October. makaka kuha pa naman ako diba? meron na akong mat 1 eh