"Sumunod ka sa akin"

True to life story ito na pangyayari sa asawa kong hemodialysis Nurse sa Binakayan Hospital. Si James (asawa ko) ay sanay na talaga makakita ng mga multo dahil bata pa lang siya ay may third eye na sya pero iba ang kwento sa Hospital kung saan may pasyente syang matandang babae na tila ba palaging may kalaro at kausap kapag mag-isa ito. Madalas kung mag isa si James ay ipapatong nya lang ang kanyang gamit sa mesa pagkatapos ay mawawala at makikita na nya sa ibang lugar, ito daw ay gawa nung batang palaging nakikipaglaro sa matanda nyang pasyente..at pati kapwa nya nurse ay nasabing minsan ay napaglalaruan din ng batang iyon. Saksi si James kung gaano kalapit sa matanda ang batang (nagmumulto), palagi silang magkasama matulog at tila ba doon na nakatira ang bata sa bedroom ng matanda.. At dahil nga ang mga nurses ay sanay na paglaruan ng bata ang kanilang gamit ay hinahayaan nalang nila kahit may takot din silang nararamdaman, nag-uusap na lamang sila na talagang makulit ang batang yon at marahil hindi nya tanggap ang pagkawala nya dito sa mundo. Kinabukasan, oras na para umuwi ang matandang pasyente sa kanilang bahay para doon na magpahinga, habang papaalis, laking gulat din ni James nang kitang kita niya kung paano sumama ang bata habang ito ay papaalis na ng ospital "parang memories lang yung bata ganun ang itsura ng mga multo, pag kakausapin mo sila hindi sila magsasalita, at pag lumingon ka sa ibang dako habang nakatingin ka sa kanila, paglingon ko uli sa kanila ay bigla nalang silang mawawala...ang palatandaan ko kapag multo ay wala silang footsteps, kasi minsan sa sobrang sanay ko na makakita ng multo wala naman pinagkaiba ang itsura sa totoong tao" ganyan i-describe ni James ang mga multo na nakikita niya... Nagkataon na magkalapit lang ang bahay ng pasyente ni James at bahay naming mag asawa, kaya isang araw nakita ni James ang anak ng pasyente niya...sobrang takot at paranoid ang itsura nung anak habang sinasabi kay James na "Si nanay, nung isang gabi sinilip ko sa kwarto nya habang nakahiga at nakakumot, parang may nakaumbok sa dibdib nya, kaya nilapitan ko siya ang sabi ko bakit ganyan Nay? Tapos sabi nya "may bata dito sa loob ng kumot ko" kinilabutan ako inisip ko na hindi totoo pero pag tanggal ko ng kumot humagulgol ako sa takot MERON NGANG BATA ...NA PAGKATAPOS KONG SUMIGAW SA TAKOT AY BIGLA NALANG NAWALA...kumaripas na ko ng takbo.." Alam na ni James na sumama nga yung bata hanggang sa tahanan nung pasyente niya, lumipas ang ilang araw nakatanggap na lang ng tawag si James mula sa anak ng pasyente at sinabing "hindi na po kami makakabalik sa ospital niyo sir, wala na po kasi si nanay" Hindi ko alam kung sundo ba ang tawag don pero ang palaisipan ko lang ay bakit nakita din nung anak ng pasyente yung tinutukoy ni James na bata? #MagandangGabi

"Sumunod ka sa akin"
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

😱😱😱😱

Super Mum

😱😱😱😱