Looking for answer
Hello.momsh tanung ko lang, pag wala bang panghanda ang parent ng batang celebrant kelangan ba talagang obligahin ang tito na magbigay mairaos lang ang birthday ng bata? kahit na yung tito mayron ng asawa at buntis pa?! Di naman sa pagiging selfish pero ang sakin lang porke ba may trabaho yung tito ng bata konting celebration lang bat sya lagi ang taya?! di ba nila naiisip na mas may pangangailangan din yung asawa nya lalo na dapat paghandaan yung panganganak nya?!
Pwede naman bigyan mo isang 1pack ng spaghetti tapos may kasamang sauce 🙄. wag naman iasa lahat sa asawa mo kase needs niyo din ng pang gastos kamo eh nag iipon din kayo para sa pag anak mo kase di mo pa alam if normal ka ba or cs mabuti na yung mag hawak kayong pera. pag usapan niyo ng asawa mo. Kung gusto nila ng party party dapat parents na ni celebrant ang bahala don. Kung walang pang handa manahimik kamo. ✌️ hahanda handa nganga kinabukasan baon pa sa utang. tssk
Magbasa paNasa asawa nyo na po yun kung bbigyan nya yung pamangkin niya. Sguro sinanay din na laging nag bbigay or baka giver talaga si Mister. Though di magandang attitude yung laging hinihingan yung asawa mo lalo na kung sa mga ganyang bagay. Anak nya yon, so dapat sya ang mag provide, mukhang social climber yung sister-in-law mo hehe.
Magbasa paAt kelan pa naging obligasyon nung tito ang pamangkin nya???? Kaloka yon sis, kung wala silang panghanda tiis tiis muna. Or kung nahihiya naman humindi si tito edi magbigay kung magkano ang kaya for example 500 or 1000 tapos sabihin nya kamo na yun lang ang kaya nya dahil nag iipon para sa lalabas na baby.
Magbasa papara sakin po hindi po obligadonang kahit sinong relative na maghanda para sa celebrant at hindi po dapat inoobliga ng parents ang relatives maghanda. ito dapat ay bukal sa loob at kusa. if walang handa, hindi po dapat masamain bagkus gawing pasasalamat po dahil sa another year of life ng bata
kahit less 500 nga lang para sa bata na may birthday pambiling treats okay na yun satisfied na ang bday celebrant dun lalo't bata pa, also dapat maintindihan nung kapatid ng asawa mo mi na may kailangan kayong pag-ipunan hindi naman pagdadamot yun pati di niyo obligasyon yun
ikaw yung asawa ng tito no? charr simple lang, masama ang mamgobliga lalo naman kung wala naman patago. Lalong lalo na at hindi rin naman anak. Kung may maibigay okay kung wala okay lang din.
OF COURSE NOT. That is not somebody else's responsibility. Nag anak tapos ipapashoulder sa iba ang gustong gastusin na hindi naman necessary. May sarili din naman gastusin yung tito.
hindi tama. sabihin na lang ng mister mo na "sorry wala. magiipon pa pampaanak ni misis."